bc

THE EVE'S POISON Series 1: HEAVEN'S REVENGE (Filipino)

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
revenge
powerful
self-improved
tragedy
bxg
female lead
city
realistic earth
crime
victim
like
intro-logo
Blurb

Girl Power - Ang Paghihiganti Ng Babaeng Sawi -Entry para sa Yugto Writing Contest

The Eve’s Poison #1: HEAVEN’S REVENGE

Written by: JL Dane

BLURB:

“Diniin nila ako sa kasalanang hindi ko ginawa. Ibinalik nga nila ang liwanag sa aking paningin, ngunit kadiliman sa lusak naman ang aking natagpuan. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang magwakas ang buhay ko. Babangon ako at babalik upang itama ang lahat.”

NABULAG ng ilang taon si Heaven, nang dumating ang sagot sa kanyang panalangin upang muling makakita ay hindi niya akalaing iba pala ang magiging kapalit sa pagbalik sa kanyang paningin. Nakulong sa kasalanang pinagsisihan niya at hindi na niya alam kung paano babangon. Namatay rin ang kanyang ama na kanyang pinakamamahal.

But Atty. Hint Alfaras saved and helps her. Dahil sa binata ay napagaan ang sintensya at nakalaya siya. Sa pagkakataong iyon ay aalamin niya ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang mother-in-law and she will prove her innocence. She was the victim of a man she thought her husband. She will prove them wrong about her. Hindi siya ang pumatay kung hindi ang kanyang asawa.

All rights Reserved ©2021 written by: JL Dane

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Prove me wrong
HEAVEN MORERA'S Point Of View NANGINGINIG ang duguan kong mga kamay na may hawak pa ng patalim. Agad kong binitiwan iyon pagkakita kong may bakas ng mga dugo. Nang sulyapan ko ang babaeng nasa tabi ko ay ganoon na lamang ang pagsigaw ko at labis na pagkagulat. Nanlalaki ang mga mata kong makita ang hitsura niya. Dahil ang babaeng nasa tabi ko, duguan ang bandang tiyan at nakalupasay ay walang iba kung hindi ang mother-in-law ko. “Mama…” Umiiyak na lumapit ako kay mama at inalog-alog ang kanyang balikat. Mainit pa rin ang kanyang katawan ngunit wala na siyang buhay dahil hindi ko na maramdaman ang kanyang paghinga. “Mama, gumising ka! Please, mama, gumising kayo!” Nanghihina ako at hindi ko alam ang gagawin. “Itaas ang mga kamay at sumuko ng maayos!” Nagulat na lamang ako nang may mga pulis na ang pumasok sa bahay. Napipilitan akong magtaas ng kamay, agad naman nila akong pinaupo at pinusasan ang mga kamay ko. “S-Sandali lang po… Bakit ninyo ako hinuhuli?” “Ikaw ay inaaresto namin sa salang pagpatay kay Misis Miranda Cervancia. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroong ding karapatang kumuha ng tagapanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan.” Hindi ako nakapiglas nang dalhin nila ako sa labas ng bahay at nakaposas na ang mga kamay ko. Naiyak na lang ako nang tuluyan nila akong isinakay sa police mobile. Tahimik akong nagluluto habang hinihintay ang asawa kong si Marco. Nagpaluto ang mama ng paborito niyang chicken pastel. At gustong-gusto niya ang luto kong iyon. Isinakay na nila ako sa police car at pagdating doon ay lakas loob pa rin akong nagsalita. “Maniwala po kayo sa akin, inosente po ako, mamang pulis…” Wala ng nagawa ang pakiusap ko. Natahimik na lang ako sa buong biyahe hanggang makarating sa police station. Ipinasok nila ako sa bilangguan na hindi man lamang pinakikinggan ang side ko. Naiyak na naupo na lamang ako sa isang tabi. Puno pa rin ng dugo ang mga kamay ko, nanlalamig, nanginginig at namamasa dahil sa kaba. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Kung panaginip man ito, gusto kong magising na lang. Ayaw ko ng ganitong bangungot. Kahit kailan ay hindi ko inisip na makapatay o maging kriminal. Inosente akong tao at kahit kailan ay hindi ko magagawang manakit ng ibang tao lalo na ang ina ng asawa ko. Napayakap na lamang ako sa dalawa kong mga hita. Sana may dumating na tulong. Ayaw kong makulong. Marami pa akong pangarap, kaming dalawa ni Marco. Gusto ko pang magkaanak at buo ng masayang pamilya. Hindi man ako nakatapos ng pag-aaral at hanggang high school lamang ang natapos ko, hindi naman nangangahulugang kaya kong pumatay. Paano ko magagawa iyon sa ina ng aking asawa? Ilang beses kong tinanong ang aking sarili kung paanong nangyaring nagising na lamang ako na hawak ang kutsilyong pinangsaksak kay mama. Parang isang malaking bangungot ang lahat na hindi ko alam kung anong hiwaga ang naganapa kaya narito na ako ngayon sa selda. Paano ko ngayon sasabihin ito sa tatay ko? Nakahihiya kung may anak siyang kriminal. Tumayo ako nang makita ang isang pulis. Gusto ko sanang magmakaawa na palabasin na ako dahil wala naman akong kinalaman sa nangyari sa mama. Kung sinuman ang may gawa niyon ay siya ang dapat na nakakulong dito at hindi ako. Ngunit... Ngunit, naalala kong may problema ako kapag nahihimbing sa pagtulong. May mga bagay na hindi ko na matandaan na nagagawa ko kapag tulog ako. Sa totoo lamang ay nagsisimula na akong pagdudahan ang sarili ko na baka ako nga ang may gawa niyon. Nag-i-sleep walking ako. Iyong tulog ang diwa pero kumikilos ang katawan. Minsan na ngang nasabi sa akin ni Marco na may nagagawa ako habang tulog at hindi ko na matandaan kapag nagigising ako. Napasubunot na lamang ako sa aking sarili. Ewan ko. Hindi ko alam at hindi ko na malaman kung ano pa ang dapat kong isipin sa nangyayari. Paano kung ako nga ang dahilan kung bakit namatay ang mama? Paano ko haharapin si Marco? Nasa business trip si Marco at magkikita sana kami matapos ang eye surgery ko. Dati akong bulag at dapat ay kasama ko si Marco sa operasyon ngunit ang pag-uwi niya mula Paris dito sa Pinas ay naantala dahil sa bagyo. Inuwi ako kahapon ng mama galing sa ospital at sinabi ng doktor na kailangan kong ipahinga muna ang mga mata ko at huwag munang idilat. Kaya nang makapagpahinga ako at nagising ay ito na ang tumambad sa akin. Sobra akong kinikilabutan sa nangyaring ito. Hindi ko akalain sa sarili kong magagawa ko ang karumaldumal na krimeng iyon. Ayaw kong makulong ngunit ayaw ko rin namang malaman ng tatay ang nangyaring ito sa akin. Ayaw kong mag-alala pa siya dahil lang sa ginawa kong kalokohan. Aksidente lang ang nangyari, kung ako nga ang nakasaksak sa mama ay hindi ko naman iyon sinasadya. Hindi ako mamamatay tao, hindi ako kriminal. Ayaw ko. Hindi ako puwedeng makulong. Hindi ko ito ginawa. Mariing ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Baka sakaling panaginip lamang ang lahat. NANG magdilat ako ng mga mata ay may katabi na akong babae at isang malamig na semento na ang hinihigaan ko. Nang sipatin ko ng lingon ay may nakaharang na rehas na bakal sa kwarto. Hindi maaari. Nasa kulungan pa rin pala ako. Hindi panaginip ang lahat. Nakabilanggo pa rin ako dahil sa pagkamatay ng mama. “Cervancia, may dalaw ka.” Napabangon akong bigla nang katukin ng pulis gamit ang kanyang baton ang rehas na bakal. “Heaven?” Mabuti na lamang at agad kong nakilala ang tinig ni Annette. Mula grade nine years old ay nabulag na ako dahil sa isang aksidente. Naaalala ko lang ang mga tao sa paligid ko kapag naririnig ko ang boses nila o minsan ay ang pagkapa sa mukha nila na ginagawan ko na lang ng imagination. Iyon din ang rason kung bakit hindi ako nakatuntong sa kolehiyo. Mahirap mag-aral sa eskwelahan ng mga may kapansanan. Mabuti na lamang at nagkaroon ako ng scholarship upang makapagtapos sa high school. Isang mayamang pamilya ang sumuporta sa mga katulad namin at regular na nagbibigay ng donasyon. Ito na pala si Annette. Ganito na pala ang hitsura niya. “A-Annette…” Hindi ako makapaniwalang napakalinaw na ng paningin ko. Nakikita ko na nang maayos at malinaw si Annette Pilar. Samantalang noon ay madalas ko lamang kapain ang mukha niya at marinig ang kanyang tinig. Bata pa kami nang huli kong makita ang mukha niya at nakarehistro pa rin sa utak ko ang pagkabata naming dalawa—lalo na ang mukha niya. Siya ang matalik kong kaibigan at kababata. Halos sabay kaming nagkaisip at lumaki. Ngunit nang mangyari ng ang aksidente at dahilan ng pagkabulag ko ay hindi ko na nakita ang mukha niya. Hindi ko na rin alam ang hitsura ko ngayon. Kung magkasing ganda ba kami ni Anenette. Ngunit nang makita ko ang balat niya ay mas maputi siya sa akin. Maganda ang kanyang buhay na may kulay blonde. Bumagay sa kanyang balat. Matangos din ang kanyang ilong at maliit ang mukha. Hindi ko na nga lang alam kung mas matangkad ba ako sa kanya o mas matangkad siya sa akin? Medyo may kataasan kasi ang kinatatayuan kong sahig. Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko. Si Annette nga talaga ang nakikita ko. Napaluha ako nang makita siya. “Lumaking maganda,” sabi ko pa na parang kay tagal naming hindi nagkita. Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa rehas na bakal. “Nakakakita na ako, Annette at masaya akong makita ka. Kumusta ka na?” Gulat na gulat din siya nang makita akong nakakulong ngayon. Bahagya pa nga niyang hinila ang sariling kamay na parang nandidiri nang makita niyang may bakas ng natuyong dugo ang kamay kong humawak sa kamay niya. Si Annette ay nakatapos ng pag-aaral. IT ang kursong kinuha niya, two years pero may maganda na siyang trabaho ngayon. Nasa isang magandang kompanya na siya. Iyon ay base sa katayuan niya sa buhay ngayon. Maganda na siyang manamit. May kwintas, singsing, magandang relo at hikaw. “I can’t believe na magagawa mo iyon sa mother-in-law mo, Heaven.” Umiling ako sa sinabi niya. “Hindi, nagkakamali ka. Wala akong kasalanan. Inosente ako. Alam mong hindi ko magagawa iyon.” “Puwede ba? Just don’t deny it. Sabi sa akin ng mga pulis, nagising ka raw na may hawak ng patalim ayon sa CCTV na nakuha nila sa bahay n’yo.” “K-Kung ako ang nakasaksak kay mama, aksidente iyon. Nag-i-sleepwalk ako.” “Paano mo made-deny iyan sa korte, Heaven? Your name is heaven but your worst like a hell. Hindi ko akalaing magagawa mo iyan sa ina ng asawa mo.” “Please…Please, nakikiusap ako sa iyo tulungan mo akong makalabas dito. Kailangan ko ng attorney. Hanapan mo ako ng attorney,” umiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung alam ko lang na ito ang kapalit sa pagbalik ng paningin ko, hindi na sana ako nagpaopera. Nanatili na lamang sana akong bulag. “Nag-aayos na si Marco para sa burol ng nanay niya.” “A-Alam na ba ni Marco?” Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon. Tiyak kong isusumpa niya ako dahil sa nangyari. “Alam na niyang ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. You killed his mom. Huwag ka nang umasa na dadalawin ka niya rito. Baka nga tuluyan ka niyang ipakulong.” Aalis na sana siya nang pigilan ko siya. “Ang tatay… M-May alam ba siya sa nangyari?” Sa pagkakataong iyon ay muling humarap sa akin si Annette. “Patay na ang tatay mo at ako ang nag-aasikaso sa pagpapalibing sa kanya.” Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Annette sa akin. “P-Paano?” Itinulak ko pa ang mga salitang iyon para tanungin siya. Sa hitsura ni Annette ay mukhang hindi siya nagbibiro. Dahil kung biro ito, ito na ang pinakamasamang birong narinig ko ngayon. Buong buhay ko, wala akong ibang inisip kung hindi mapaligaya ang ama ko. Iniwan kami ng nanay ko at sumama siya sa ibang lalaki. Namuhay kami ng tatay ko na kahit mahirap, naging masaya kami at kinaya ang lahat. Siya ang dahilan kung bakit ako nagsumikap noon na makapagtapos sa high school at siya rin ang dahilan ko ngayon kung bakit ninais kong magpaopera. Nais ko siyang makita, nais kong ibalik ang ngiti sa mga labi niya. Alam kong sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili kung bakit ako nabulag. Ipinagpasalamat ko na may pag-asa pa pala akong makakita. Ngunit kung ito lamang pala ang kapalit, bulagin n’yo na lang akong muli. Ayaw ko nang mamuhay sa liwanag na puno na ng kadiliman ang buhay ko. Buhay na buhay pa siya noong huli kaming magkausap sa ospital. Nangako pa nga siya na dadalawin ako sa bahay para makita ko siya. Sa bahay na kasi ng mga Cervancia tinanggal ang benda ng mga mata ko. Napaupo ako sa malamig na sahig at nanghihina. Umagos ang masaganang luha sa mga mata ko. “H-Hindi! Hindi totoo ‘yan! Buhay ang tatay ko! Hindi siya puwedeng mamatay…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

His Obsession

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook