BATAS

1374 Words
THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 1 Madaming kumakain nang oras na iyon at lahat ng mga mesa ay okupado na kaya naisipan niyang pumuwesto at tumayo muna sa gilid habang inaantay niyang kumonti ang bunto ng dumating na kumain. Medyo mahaba-haba ang pila at hindi magandang ang amoy ng mga nakapilang ibang lahi na iyon. Hindi naman sa nagrereklamo siya, karaniwan na iyon na amoy nila at wala kang magagawa kundi ang makiamoy na lamang. Dahil pagod sa trabaho at tinatamad na siyang magluto pa kaya nagdesisyon siyang bumili na lang ng pagkain niya. Wala na rin siyang lakas at oras pang magluto. Ramdam na niya ang sobrang gutom. Sa kakamadali, hindi na niya naisip na nasa Saudi nga pala siya. Sa baba lang naman ito ng tinitirhan niyang apartment kaya may pagdadalawang isip siya kung aakyat pa ba siya at magbihis o simplehan na lang niya ang pagtago-tago muna habang wala pa ang order iya. Nang napansin niyang panay ang tingin ng mga dumadaang arabo sa maputi at makinis niyang hita ay nagsimula na siyang maalarma. Nagdadasal na lang siyang hindi sana siya makita at huliin ng mga mutawa. Isa pang problema, nakasando pa pala siya. Kaya mas lalong maraming naaakit na titig na titig sa kanya. Kung bakit kasi ang lugar na ito, kahit lalaki ka basta maputi at hindi mabuhok, iba ang tingin ng mga Arabong sabik. Dati, nang nasa Pilipinas siya, maitim siya dahil lagi siyang nasa site. Sa kagaya niyang Engineer na nagsisimula, bilad siya lagi sa araw at inaamin niyang hindi niya talaga inaalagaan ang kanyang hitsura. Ngayon, artistahin na talaga siya. Hindi naman siya bading pero ang tingin sa kanya ng mga Arabo dahil nga Pilipino siya ay bading na rin siya. Iyon ang hindi niya nagugustuhan na tingin ng lahat ng Arabo sa halos lahat ng Pilipino. Pumasok na muna siya sa CR ng binibilhan niya ng kabsa. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Malakas na talaga ang dating niya na binagayan pa ito ng tangkad at maayos na tindig. Biniyayaan siya ng kahit hindi batak sa gym ay maganda rin naman ang kanyang pangangatawan. Marami sa kanyang nagkakagustong ibang lahi at Pinay pero sadyang pihikan siya. Mabibilang lang sa kanang kamay niya ang nakarelasyon at nakatalik niya. Ibig sabihin hindi siya kagaya ng ibang mga Engineer sa Saudi na basta nakapalda at may pagkakataon, pwede na. May ilang kasing mga DH na sila na mga Engineer ang pinupuntiryang kabitan. Mga may-asawa sa Pilipinas o may mga boyfriend at pagdating sa Saudi, saka inabutan ng kalandian o tawag na rin ng pangangailangan. Istrikto ang Saudi ngunit nagagawan ng mga babaeng ito ang pumuslit para gumawa ng himala. Ngunit sorry na lang, hindi rin basta-basta nakikipag-s*x sa kung kani-kanino. Paglabas niya, napangiti siya ng maluwang. Wala nang pila. Agad na siyang dumiretso sa counter para sabihin ang order niya nang makabalik na siya sa kanyang apartment. Mahirap nang mahuli siya ng pulis na walang dalang iqama. (Residence permit) Sa wakas ay siya na ang susunod sa kanina pa mahabang pila. “Wahid kabsa, sadik, (One Kabsa, friend) order niya sa isang Pakistani. “Aiwa. Dagiga sadik, (Yes, give me a minute, my friend)” sagot nito sa kanya. Iniabot niya ang bayad. Sinabihan siya ng Pakistani na maghintay na muna sandali. Natuwa siya nang nakita niyang may bakante ng mesa paglabas niya ng CR. Minabuti niyang umupo na muna roon nang di siya mapagdiskitahan ng mga Arabong naghahanap ng mapaglalabasan nila ng kanilang kalibugan. Dumaan siya sa mesa ng Pinoy na kanina pang nakatingin at umiiling-iling na akala mo napakalaking kasalanan ang kanyang ginawa. Hindi na lang niya ito pinansin. “Kabayan, baka mahuli ka niyan,” biglang pangingialam nito. Hindi na yata kasi nito kayang manahimik lang. “Oo nga kabayan e. Salamat sa paalala.” “Dapat kasi hindi ka nagso-short ng hindi lagpas-tuhod at nagsasando. Bagong salta ka?” “Hindi ho.” “Hindi naman pala. Dapat alam mo nang bawal dito ‘yan.” “Medyo nagmadali lang kasi ako kaninang bumaba.” “Baka wala ka pa niyan dalang Iqama.” “Wala nga ho.” “Naku patay ka niyan. Kaya tayo nahuhuli e” Minabuti niyang hindi na lang patulan. “Tignan mo oh, lumuluwa tuloy ang mga mata ng mga ‘yan,” patuloy pa rin ito sa pagpapapansin. “Di nga sila maintindihan e. Sila itong sobrang istrikto ang batas pero sila itong number one na manyakis.” “Di naman natin sila masisisi kasi nga mahirap sa kanila ang mambabae, mahirap makakita ng makinis at maputing hita at katawan. Kaya tuloy tayong mga Pinoy ang pinagdidiskitahan ng mga ‘yan.” Ngumiti lang siya. “Anong pangalan mo?” tanong na nito sa kanya. “Iba rin talaga magpasakalye ang Pinoy,” naisip niya. Akala niya kasi kanina ay nagmamalasakit lang ito. “Klein ho,” maikli niyang sagot. “Ah, Klin.” “Klein, Sir. KLAYN” “KLEN nga.” Hindi talaga makuha kaya hindi na lang niya inulit pa. Klin o Klen, bahala na siya. “Matagal ka na rito?” “Mga limang taon mahigit na yata?” “Yata? Hindi ka sigurado?” “Basta ho gano’n.” “Pwedeng makuha number mo?” “Bakit mo kinukuha number ko, Sir?” “Wala. para kaibigan ba.” “Sadik, here is your order,” tawag sa kanya ng Pakistani. Hindi niya alam kung paano niya ito pasasalamatan dahil inilayo siya sa isang kababayang para-paraang lang. Hindi na siya nagpaalam pa sa Pinoy na iyon. Alam na kasi niya ang mga style ng iba niyang kababayan. Kaibigan daw pero kapag sasama sa inuman at malasing, may iba palang pakay. Ilang beses na ba siyang nabiktima noong bago palang siya sa Saudi? Balbas sarado o bagong ahit, mahaba ang buhok o kalbo, payat o mataba, pandak o matangkad, maitim o maputi, bakla o mukhang barako, kapag nag-aya ng inuman at walang maabutan na ibang bisita, ibig sabihin no’n may pakay na iba. Mahirap magtiwala dahil kung sino pa ang kababayan, sila pa ang magdadala sa kapahamakan. Kung sino pa yung katrabahong pinoy, sila pa ang hihila pababa at di nagpapansinan sa trabaho. Isang katotohanang napakahirap maintindihan sa mga ugali ng mga magkakababayan sa ibang bansa. Malayo ang mga kaugaliang ito sa kanyang inaasahan nang bagong salta siya. “Uyy kabayan asan na nambir mu?” Hinabol pa talaga siya hanggang sa labas. “Salamat na lang, Sir. Hindi ko ipinamimigay ang number ko sa kung sinu-sino lang. Hindi ho ako bakla.” Ipinaramdam niya ang nararamdaman niyang pagkainis. “Suplado naman, porki gwapu.” “Maghanap kang mga bagong salta o kaya yung kagaya mong bakla na mauuto mo, Pare,” nakangiti at nang-iinis niyang sagot. Nalulungkot siya sa buhay niyang mag-isa sa Saudi. Kakain mag-isa, matutulog na solo, papasok sa trabaho, uuwi pagkatapos ng maghapong pakikipagbuno sa mga may anghit niyang kasamahan at makipag inglisan sa mga dunung-dunungan niyang mga katrabaho. Engineer siya ngunit ang trabaho niya parang higit pa sa Project Manager sa dami ng ipinagagawa sa kanya. Sinusulit talaga siya ng kanyang pinagtatrabahuang Real Estate company. Mabuti na lang at mataas ang sahod niya at magandang company rin naman ang napasukan niya. Dahil may pakotse ang kumpanya nila, madami ring mga babaeng umaaligid. Nagpapansin para maambunan. Halos ipamigay na nila ang kanilang mga katawan kapalit ng ilang riyal lang na kabayaran. Status quo yata yung sa ibang bansa na kapag may kotse ang Pinoy, iisipin ng lahat na mataas ang sahod o maganda ang company ang pinagtatrabahuan. Marami siyang mga kaibigang pinapatos ang mga babaeng bagong salta na mababa ang sahod. Ngunit siya, hindi niya gusto ang ganoong kalakaran. Kung may makakasiping man siya, yung alam niyang seryosohan na at mauuwi talaga sa relasyon at pakakasalan niya at hindi yung tikiman lang, bayaran at magkakasiraan kapag di naibigay ang gusto. O kung magbabayad din lang naman siya, do’n na sa taong gustung-gusto na talaga niya. Ngunit paano kung ang dati niyang hinangad noon na babae sa Pilipinas ang masasabak sa ganoong gawain? Handa ba niya itong bayaran at angkinin? Magagawa ba niya itong solohin na lang at akuin ang buwanang kinikita nito sa pagbebenta ng aliw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD