THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 43 Ang unang pagkikita nila ni Klein ay naulit pa. Hanggang naging madalas na ang pagsama niya dito. Lumalabas sila kung wala siyang booking. Kumakain sa labas o kaya ay nagkakape. Masaya siya sa ganoon. Para bang nawawala ang pagod niya sa trabaho kapag nagkakabiruan sila at nagtatawanan. Matalik na kaibigan ang turing niya dito at hindi isang booking. Hanggang sa isang gabing nakita sila ni Dindo. Alam niya kung bakit iba ang tingin ni Dindo sa kaniya noong gabing iyon dahil sinabihan niya ito na hindi sila puwedeng magkita ng weekdays dahil pagod siya sa trabaho ngunit nasa kapehan siya sa gabing iyon kasama ang isang gwapong lalaki. Isa pa, sinabihan siya nitong siya lang. Magdadagdag siya basta wala nang iba pang makikinabang sa