SPG-SPG-SPG-SPG-SPG CHAPTER 28 Ang hirap ng kalagayan ni Leigh na akala ng mga magulang niya at kamag-anak sa probinsiya na okey lang siya. Kailangan niyang magmukhang okey at masaya sa social media ngunit bawat litrato o status na kanyang pinopost ay may nakatagong lungkot at kawalan na ng pag-asa pang umangat o bumuti ang buhay. Wala siyag nakikitang pag-asa kay Culver. Hindi siya yung tipo ng lalaki na kikilos para umahon sila sa buhay. Dahil siya ang pursigido at may pangarap, mukhang siya ang kikilos kahit pa ang sakit isipin na iiwan niya ang kanyang anak. Hindi naman pwedeng pakiusapan ang kumakalam na sikmura ng bata at ang dumadaming bills ng bayarin nil ani Culver at ng kanyang pamilya. Dahil sa patuloy ang kanilang paghihirap at nakatakda nang titigil ang kanyang mga kapati