THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 33 Pakiramdam niya kaiidlip pa lang niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag sa kanya si Culver. Alas tres pa lang ng madaling araw at alas otso sa Pilipinas. Tinatamad man siyang sagutin pero naisip niyang baka emergency. Nakita niyang lumingon pa si Glenda sa kanya saka siya nito inirapan. Lumabas siya ng kuwarto. “Bakit ka napatawag? Alas tres pa lang dito ng madaling araw ah.” Humihikab niyang sinabi. Ramdam niya yung lamig na parang papasok sa kanyang kaibuturan. “Babe, si Clint.” Kinutuban siya ng hindi maganda. “Bakit? Anong nangyari kay Clint?” Nawala yung antok niya pati yung nararamdaman niyang lamig. “Nahulog sa hagdanan eh. Bumaba kasi mag-isa.” “Ano? Paano nangyari iyon? Hindi mo binantayan?”