THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 35 Alam niyang mali ang pinasok niya. Yung paayaw-ayaw siya pero bumigay rin naman pero dahil sa lungkot, inis niya sa asawa at gusto niyang makalabas ang anak sa hospital, lahat ay kaya niyang gawin. Naputukan este naputikan na rin naman siya, bakit pa siya hindi lulusong at kunin na muna lahat ang dahilan ng kanyang pagpakaputik. Hindi siya nakatulog magdamag. Iniisip niya pa rin ang kanyang kinakasama. Kung alam lang ni Culver kung saan galing ang ipadadala niyang pera. Kung sana maramdaman lang sana ni Culver ang hirap na pinagdadaanan niya para lang maipadala ang hinihingi sa kanya. Kakalimutan niya ang sarili niya para lang maibigay ang para sa pamilya niya. Dahan-dahang bumagsak ang luha niya. Nabasa ang punda ng unan ng gabi