NADECH: NAKATULALA AKO matapos ang libing ni Annika. Wala manlang nakuhang ebidensya ang mga otoridad na siyang nakatutok sa kaso nito. Malinis ang pagkakabangga dito na wala ni kalapit na cctv sa lugar. Nakakapagtaka lang na napakapulido ng lahat. Hindi ko matanggap ang nangyari. Naturingan akong matalinong abogado pero hindi ko maipanalo ang kaso ng mahal ko dahil sa kawalan ng ebidensya. "I promise you, babe. Sisingilin ko siya. Pagbabayarin ko kung sino man ang gumawa nito sayo. Hindi ako makakapayag walang magbayad sa pagkamatay mo. Mahal na mahal kita, sana gabayan mo pa rin ako para matunton ko ang salarin. Ibibigay ko, ang hustisyang nararapat sayo" pagkausap ko sa puntod nito. Nagpahid ako ng luha. Siya namang pagbuhos ng malakas na ulan sabayan pa ng kulob at kidlat. Mapait