I love you!

1980 Words

CATHRYN: MAAGA PA LANG ay magkasabay na kami ni Sherwin na lumabas ng unit. Mabuti na lang at VIP ako sa condominium namin kaya may access akong gamitin ang private elevator na kunektado sa ground floor. Marami din kasing paparazzi ang mga naka-aligid na matiyaga talagang binabantayan ang lahat ng kilos ko at ng kapatid ko. Magkahawak-kamay kami nitong lumabas ng elevator. Napakapilyo lang talaga nito na pasimpleng sinusundot ng gitnang daliri ang palad ko na may ibang ibig sabihin ang dating! Nag-iinit tuloy ang mukha ko dahil alam ko naman ang ibig nun! Napakapilyo talaga. Nangingiti ako na unti-unting napalis nang maabutan namin sa harapan ng kotse ko si Vin na matyagang naghihintay sa pagdating ko. Nakasandal pa ito sa harapan ng kotse ko na nakahalukipkip. Nangunotnoo ito na mapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD