YOONA: NAPATAKBO AKO palayo sa mga ito. At dahil kabisado ko ang lugar namin ay madali lang akong nakalayo sa kanilang lahat. Yakap ang sarili na humahagulhol habang naglalakad sa madilim na kalsada. Sa sobrang bigat ng loob ko ay hindi ko na alintana ang dinaraanan ko. Ni hindi na ako makadama ng takot, pangamba o pagod sa layo ng narating ko. Nakakabinging kulob at kidlat ang siyang nagpagising ng diwa ko. Nagpalinga-linga ako at saka ko lang namalayang nasa malapit na ako sa dagat. Para akong nahihipnotismo na naglakad palapit dito na tila nagpapaanyaya sa paningin ko. Tulala akong naglakad na lumapit sa pampang. "Sinungaling kayo. Laruan ba ang buhay ko, para sainyo?" hibang kong tanong sa sarili. "Mis?!" dinig kong pagtawag sa akin ng kung sino na hindi ko na nilingon pa. Bumuh