YOONA: NANGINGINIG ANG BUONG katawan ko pagkalapag sa akin ng mga ito dito sa ground floor ng building! "Hop in, Ma'am" "Ayoko! Wala akong tiwala sainyo!" asik ko na pilit pinatatag ang mukha at tono. Pinanlisikan ko rin ang mga ito kahit ang totoo ay natatakot na ako sa mga nangyayari! Napahinga ito ng malalim na kakamot-kamot sa ulo. "I'm sorry, Ma'am Cathryn. ginagawa lang po namin ang trabaho namin" magalang paumanhin nito. "Hindi nga kasi ako--" nabitin sa ere ang sanay sasabihin ko nang ma-realize ang kanina niya pa itinatawag sa akin! Bumilis ang kabog ng dibdib ko na sunod-sunod napalunok na mapag-sino ang tinutukoy nito! "A-ano nga ulit 'yong itinatawag mo sa akin, Sir?" nauutal at tulalang tanong ko. Nagkatinginan ang mga ito na bakas ang katanungan sa isa't-isa. "Mu