Tamang kwentuhan lang sila habang umiinom. Pero si Lieutenant Rex ay hindi na pinapansin ang alak sa kanyang baso, bagkus ay tamang kain lang ng pulutan na letchon manok, nilantakan na ng loko. Hanggang sa napansin na nga ng isa naming kasamahan na si Albert. “Ano ka ba naman, Cardeng. Huwag puro pulutan lang ang lantakan mo. Heto oh, tagay pa, pare!” Wala nang nagawa si Lieutenant kundi inumin ang alak na sinalin ni Albert sa kanyang baso. “Ikaw din, Natoy. Inom pa.” Sinalinan din nito ang baso ko. Pero nang dadamputin ko na ay inunahan ako ni Captain at diretsong nilagok ng inom. “Medyo mahina sa alak ang bunso namin, hayaan ninyong ako na lang ang uminom para sa kanya.” “Oh, 'di inom pa tayo! Tagay pa, pare!” Muling sinalinan ni Albert ang baso ni Captain. Lihim naman akong napan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books