Kabanata 5

1325 Words
Labing-anim na taong gulang pa lamang ako noong mahuli ko si Mama kasama sa loob ng bahay namin kasama ang isang kumpare ni Papa na noon ay naninirahan sa may tabing bahay namin. Dahil kaibigan ni Papa ay naniwala ako noong sinabi ni Mama na ito raw ay naroon para hintayin si Papa; kahit pa nga may iba na akong kutob at hindi maganda sa paningin ang naabutan kong posisyon nilang dalawa. “Napakasarap magluto ni Anna kaya ma-swerte ka na naging asawa mo siya, Pre,” pamumuri ni Kuya Gringgo sa kanilang dalawa. Tumawa lang si Papa roon habang si Mama naman ay nagbaba ng tingin animoy nahihiya. Ang mga mata ko ay sa kanilang dalawa lamang nagpapalit-palitan ng tingin. “Kung kaya nga ba ipinipilit ko na mabigyan ng masayang buhay si Misis kahit mahirap. Gusto kong lagi siyang maligaya dahil ganoon ako sa kaniya,” ani Papa na mukhang proud na proud kay Mama. Kumakain silang tatlo habang ako ay hindi na makasubo ng pagkain kakamasid sa kanila. Napansin iyon ni Papa. “Oh, anak? Bakit hindi ka kumakain?” aniya na tinapunan ng tingin ang pagkain ko na kakaunti pa lamang ang bawas. “Hindi mo ba gusto ang ulam?” tanong niya. Nahihiya akong umiling at saka nagsimulang sumubo. Nakita ko na nagkatinginan sila Mama at si Kuya Gringgo bago pa ako nagyuko ng ulo. Ilang sandali lang ay nagpaalam si Kuya Gringgo na magpapahinga na raw siya para sa pasok nito bukas. Ngunit kinabukasan… “Mama?” pagtawag ko kay Mama. Katanghaliang tapat noon, wala kaming pasok noong tanghali kaya naman nagpasya akong umuwi kaysa sumama sa mga Kaklase ko na nagplanong maligo ng dagat na malapit lang sa amin. Alam ko na narito sa bahay si Mama dahil iyon ang sabi ng Kapatid kong si Abra na naglalaro sa kapitbahay namin na nadaanan ko. “Ma?” tawag kong muli sa kaniya noong makapasok ako sa bahay subalit sa halip na pagsagot sa tawag ko ay iba ang naririnig kong sinasambit niya. “Gringgo, uhhh…” “Gringgo… uhh… sige pa,” Noon ay hindi ko lubos na nauunawaan iyon. Labis labis ang pagtataka ko kung bakit sinasambit ni Mama ang pangalan ng kumpare ni Papa at kung bakit nakikiusap siya rito. Inakala ko na sinasaktan siya nito kung kaya naman mabilis akong nagtungo sa pinagmumulan ng boses ni Mama. Sa kwarto iyon nila Papa. Nakasarado ang pinto ngunit may naipit pa sa roon na bahagi ng damit na alam kong hidni naman kay Mama. “Ayan na… bilisan mo, Gringgo… uh…. bilis,” si Mama na may mahinang daing sa bawat pagsambit niya ng mga salita. Dire-diretso iyon at nasundan pa ng mga boses ni Kuya Gringgo. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at mahinang tinulak iyon saka sumilip. Para akong naestatwa roon sa nasaksihan. Inosente ako sa edad na labing-anim na taong gulang ngunit hindi sa paraang ganito. Kahit papaano ay nakakapanood ako ng mga pelikula sa telebisyon na may paksa na tungkol sa mag-asawang nasira ng isang maling relasyon. Minsan pa nga ay kasama si Papa at Mama ngunit ito… hindi ko kailanman inaasahan na ang mga pelikulang iyon ay maaring mangyari sa aming pamilya. Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mata at halos kumawala ang bikig sa lalamunan ko bilang isang hikbi na sa tingin ko ay narinig nila dahil pareho silang natigilan. Sa halip na manatili roon ay tumakbo ako palabas, dala-dala pa rin ang bag ngunit hindi alintana ang bigat noon miski ang panlalabo ng aking mata. Mas dama ko pa ang bigat sa dibdib ko dala ng nasaksihan. Hinding hindi ko malilimutan iyon dahil para sa akin, kaakibat ako ng pagkakamaling ginawa ni Mama dahil kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin iyon kay Papa. Hindi ko kayang makita na masaktan siya kapag nalaman niyang ang aming ina na halos ilagay niya sa pedestal upang sambahin ay gumagawa ng ganoon karuming gawain. Alam kong maling itago iyon ngunit ginawa ko naman iyon para hindi masaktan si Papa ngunit habang nagtatagal, habang nabubuo ang kaisipan ko, hindi ko magawang alisin ang duda ko noon sa aking sarili. Si Papa ba talaga ang ginusto ko noong protektahan o si Mama? Itinago ko ba iyon dahil hindi ko gustong masaktan si Papa o dahil ayoko na kapag pinapili ni Mama si Papa ay si Kuya Gringgo ang piliin niya. Kilala ko ang aking ama. Alam kong kung kahit gaano niya pa kamahal si Mama ay hindi siya magbubulag-bulagan. “I’m sorry, Papa,” garalgal ang boses ko nang sambitin iyon sa harapan ng larawan ng aking ama na may higit limang taon nang patay. “Alam kong hindi ka galit sa akin kahit pa ginawa kong itago iyon sa iyo pero…” humikbi ako nang humikbi at saka niyakap ang larawan niya. “Patawad, Papa…” muli ay sambit ko. “Patawad po…” sambit ko sa bawat kong pag-iyak. Hindi ko na namalayan ang paghila ng antok sa akin. Nagising na lamang ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Kahit inaantok pa ay sinagot ko iyon dahil alam ko na naman kung sino ang tatawag sa dis oras ng gabi. “Babe,” si Hans sa kabilang linya; ang boyfriend ko sa loob ng mahigit dalawang taon. Mistulang nabuhayan ang loob ko nang marinig ang boses niya. “Sorry, babe kung ngayon lang ako nakatawag. Dad made me do something urgent,” paliwanag niya na agad ko namang ikinangiti kahit pa pikit na pikit pa rin ang aking mata. “Okay lang, ano ka ba. Alam ko naman na kapag mayayaman ay busy,” sambit ko at saka natawa. Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. “Why do you always tease me with that mayaman thing? I told you, I’m just average one,” aniya na may halong pagtatampo kuno ang boses. Ngumuso ako at saka humagikgik. “Average with a Ferrari, hmmm?” I teased him more. Nauwi kaming dalawa sa biruan na kino-konsidra ko na rin bilang pahinga ko sa bawat problema na mayroon ang maliit ngunit magulo kong pamilya. “I told you to work with me yet you keep on declining my offer,” aniya. Bumuntong hininga ako. Tama naman siya na inaalok niya akong magtrabaho sa kaniya ngunit hindi koi yon gusto dahil alam ko naman na makatatangap ako ng special treatment sa kaniya na hindi naman dapat. Being his girlfriend is not an excuse for me. Kahit pa maging Hari siya. “I just can’t-“ naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. “Babe, father’s calling me. I’m going to call you tomorrow, okay?” he said before he dropped the call. Nailing na lamang ako at saka inilapag ang cellphone sa ulunan at bumalik na sa paghiga ngunit hindi ko pa man naipipikit ang mata ko ay muling tumunog iyon. Hindi na ako tumayo pa at inabot na lamang ang cellphone gamit ang kamay at saka sinagot iyon. “May nakalimutan kang sabihi-“ “Bloody evening, Miss Ramirez,” ani ng malamig at lalaking boses sa kabilang linya. Nagsalubong ang aking kilay at saka tinignan kung sino ang caller. Isang unregistered number iyon. “Who’s this?” tanong ko. Humalakhak ang nasa kabilang linya ngunit kasinlamig pa rin ng yelo ang halakhak niya. Walang buhay iyon. Kahit gaano pa kasarap sa pandinig ay mahahalatang hindi basta basta sino lamang ang tumawag. “You will soon find out who am I, Miss Ramirez,” aniya. Naririnig ko ang paglagok niya sa kabilang linya miski na ang tunog ng pagsasalin ng sa tingin ko ay alak. “Why don’t you just tell me now?” I asked harshly since I am not comfortable about his call. I heard him chuckled in a dark way. “See you soon… hmmm…” he said before he ended the call leaving me clueless of who is he.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD