Kabanata 1

2659 Words
“Galingan mo naman, Ash! Ito ang magiging big break natin sa career natin,” matinis ang boses na pahayag ng kasamahan kong si Maggie.   Umagang umaga ay puno siya ng sigla. Narito kami ngayon sa loob ng isang boutique kung saan ako nagtatrabaho mag-aapat na taon na. Apat lang kaming nagpapalitan dito dahil hindi naman ganoon kalaki ang boutique at higit isang daan lang na costumer ang pumapasok dito sa maghapon.   “Kapag nabili ni Miss Cabrel ang lahat ng mga expensive products dito, sigurado na tataasan ng Manager ng branch ang sahod natin!” aniya at saka humagikgik.   Tumango na lamang ako at hindi inalis ang naka-plaster na ngiti sa aking labi. Nagniningning ang mata ni Maggie at halatang inaasam-asam niya ang mga binanggit at hindi maganda kung sisirain ko iyon.   “Oo, Maggie. Huwag kang mag-aalala at gagalingan ko ang pags-sales talk mamaya,” sang-ayon ko sa kaniya at saka nag-thumbs up pa.   Lumawak lalo ang ngiti sa kaniyang labi. Naningkit ang mata singkit na niyang mata. Naglakad siya patungo sa akin at tinapik ang aking balikat.   “Kaya gustong gusto kitang kasama, e. Hindi mo ako binibigo,” pagpuri niya, marahil ay tinutukoy ang nakaraang quota na na-achieved namin.   Tama naman siya na hindi ko siya binigo noon dahil ginawa ko ang lahat ng taktika upang maparami ang bili ng bawat costumer na pumapasok. Ang ending ay nataasan namin ang sales ng dalawa naming kasamahan, sobra-sobra pa sa quota namin sa loob ng isang araw na labi na ikinatuwa ng Manager ng branch. Iyon ang dahilan kung bakitb nangako ito na isang beses pa muling maging ganoon kataas ang aming sales ay tataasan an gaming sweldo bilang premyo.   “Bahala sila Kiko at Cora diyan kung mahina ang benta nila mamaya,” sabi pa niya nang talikuran ako at nagtungo sa isang estante ng mga croptops na hindi pa naka-ayos.   “Sigurado naman ako na makakaabot sila sa quota kahit papaano,” tugon ko at saka pinagka-abalahan ang mga swimsuit na kadarating lamang kagabi.   “Makakaabot pero hindi maabutan ang atin,” aniya saka proud na proud na kumindat sa akin.   Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat. Naging ugali na nilang tatlo na magpa-taasan ng sales and I guess that is their way of coping with our job? Hindi ko alam kung nakatutulong ba iyon sa will nilang tatlo na araw-araw magtrabaho at maging masipag dahil ako ay hindi nakikisali. Araw-araw naman akong nagsisipag dahil iyon na talaga ang naging mindset ko. Sa mundong ito, kaming mahihirap ay walang karapatan na maging tamad dahil kung magiging ganoon pa kami, hindi na kami makakaahon, lalo pa kaming lulubog.   “Ano ba iyan! Akala ko pa naman ay biggest break na natin ‘to!” reklamo ni Maggie at ibinagsak ang katawan sa isang upuan sa lounge ng building sa tabi ng boutique.   Butil-butil ang pawis niya dahil na rin sa nilakad namin ito ng mga limang minute at masikip ang daan sa dami ng mga taong naglalabasan galing trabaho. Pinaypayan niya ang sarili ngunit ilang sandali lang ay tumigil rin agad at saka nagbubusa.   “Paasa talaga iyang Cabrel na iyan. Akala ba niya ay kagandahan siya?” aniya na sa sarili iyon sinasabi.   “Kung maganda siya, hindi siya tatandang dalaga!” singhal niya pa.   Nararamdaman ko na ang tingin ng ibang tao sa amin dahil na rin malakas ang kaniyang boses kung kaya naman sinita ko na siya upang hindi na mapahiya pa sa ibang nagpapahinga rin doon.   “Maggie, marami na ang taong naka-tingin,” paalala ko sa kaniya.   “Hinaan mo ng kaunti ang boses mo,” suhestiyon ko.   Inilibot niya ang kaniyang tingin, at saka umismid bago umirap sa mga nakatingin. Nag-iwas ako ng tingin sa mga nagkunutan ang noo.   “Ano naman, Ash? Tumingin sila hanggang sa mamatay sila!” aniya, ipinagpag pa ang kamay sa ere animoy nagpapalayo ng dumi sa paligid.   Kinagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. Malakas pa rin kasi ang kaniyang boses, sa tingin ko ay mas dumoble pa iyon.   “Ngayon lang ba sila nakakita ng magagandang sales lady na wala sa mood? Huwag ako, huh? Masama ang timpla ko ngayon,” aniya at maririnig talaga ang disgusto sa boses niya.   Sa halip na kontrahin siya muli ay bumuntong hininga na lamang ako at itinuwid ang tingin. Sa tingin ko ay dapat hayaan ko na muna siya na maghimutok. Umasa kasi talaga siya kay Miss Cabrel; iyon nga lang ay hindi ito sumipot at sinabing nakabili na raw ito ng mga damit at alahas sa ibang boutique kahit pa nangako na ito at nagpa-appointment sa amin.   “Hindi pa naman tayo tumanggap ng ibang costumer kasi baka makuha iyong mga sinabi niyang natipuhan niya pagkatapos…” si Maggie na ang kamay ay hinahagod na ang kaniyang noo, siguro ay sa matinding stress na nararamdaman niya ngayon.   “Bwisit talaga minsan ang mga costumer, e. Sino ang nagsabi na costumer is always right?” aniya pa. Tumango na lang ako nang magbaling siya ng tingin sa akin.   Nauunawaan ko ang nararamdaman niya dahil kahit ako naman ay umasa kahit papaano, hindi nga lang katulad ng pag-asa na ginawa niya. Inakala ko rin na may maganda akong maibabalita sa dalawa kong kapatid at mauuwian sila ng masarap na ulam ngunit sa tingin ko, hindi para sa amin ang araw na ito.   Higit trenta minutos kami roon dahil na rin sa masyado pang maaga para sa uwian ng service staff at wala naman kaming pera pareho upang gumagala-gala. Ang hinihintay kasi naming service ng boutique ay mamaya pa darating dahil naghahatid pa ito ng order sa iba o ‘di kaya ay nag-aangkat ng mga stocks.   Inubos ko na lamang ang oras ko sa paglalaro ng cellphone habang si Maggie ay bumubulong-bulong pa rin at hindi pa humuhupa ang galit sa pang-i-indian ni Miss Cabrel.   Alas Sais y media kami nasundo parehas at may ilan pa kaming kasabay na mula rin sa ibang branch pero agad din namang bumaba at nakisabay lang naman daw. Sa aming dalawa ni Maggie, mas malayo ang bahay niya kaya ako ang nauna na makauwi. Nagpaalam lang ako sandali at saka tinahak ang maliit na eskinita papasok. Ilang bahay pa muna ng madaraanan bago ko narrating ang amin. Kahit ganitong oras na ay napakarami pa ring mga bata ang naroon at nagtatakbuhan. Ganito talaga ang buhay mahirap. “Oh, naka-uwi ka na pala,” ani Aling Kara na siyang katabing bahay namin. Agad ko namang sinuklian ng ngiti ang kaniyang tinuran.   “Mabili ba ngayon?” tanong niya muli habang nag-aayos ng halaman niya.   “Hindi po gaano, e. Matumal po,” sagot ko, wala ng balak pa na i-kwento ang tungkol sa naging kamalasan namin ni Maggie sa araw na ito.   “Hala, sige at pumasok ka na. Maabutan mo ang nanay mong umiiyak at tulala na naman,” aniya.   Nangunot ang noo ko roon at agad na tumakbo papasok. Nagkalat ang mga bote ng alak doon miski ang mga chichirya at upos ng sigarilyo. Nilibot ng mata ko ang sala at hinanap si Mama at ang dalawa ko pang kapatid ngunit hindi ko sila natagpuan.   Mabilis akong nagtungo sa may kusina at sa banyo, doon ko nakita si Mama na pinaliliguan ang kapatid kong pitong taong gulang pa lamang. Humihikbi-hikbi iyon at may mga latay sa binti. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo.   “Mama!” malakas kong sambit. Nagulat pa iyon na humarap sa akin, ang mata ay halatang kagagaling lang sa pag-iyak.   “Ano na naman ‘to?” ako na itunuro ang mga pasa niya at latay sa katawan ni Abus, ang kapatid ko.   Nag-iwas agad ng tingin sa akin si Mama. Hinagilap ng mata ko ang isa ko pang kapatid at nang hindi iyon makita ay ayoko na ang tumawag.   “Abra! Abra!” pagtawag ko sa pangalan ng kapatid kong labintatlong taong gulang lamang at may kaunting kapansanan sa pag-iisip.   “Nasa labas siya,” ani Mama. Binalingan ko siya sandali.   “Naroon kay Mang Teban,” dagdag niya pa noong makitang hindi ako nasasapatan sa sagot na nakuha.   Bumagsak ang tingin ko kay Abus at saka lumuhod para mapantayan siya. Agad na hinaplos ko ang namumula-mulang latay sa kaniyang mga binti at saka suminghap ng magsimula siyang humikbi.   “Ate… bakit ngayon ka lang?” tanong niya sa kabila ng paghikbi.   Nagsimulang magtubig ang aking mata at saka kinabig siya para yakapin, hindi na alintana na siya ay basa pa ng tubig dahil naliligo. Narinig ko ang hikbi ni Mama sa likuran ko ngunit hindi ko iyon pinansin bagkus ay pinatahan si Abus.   “Bunso, huwag ka na umiyak,” mahinahon kong sambit at pinigilan ang boses sa paggaralgal.   “May pasalubong pa naman si ate sa iyo,”   Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga mata niya ganoon na rin ang pisngi na basa pa ng luha. Tinulungan ko siyang palisin ang luha niya at saka hinugot ang tuwalya na nakasabit sa tabi ng pintuan.   “Sorry, anak,” sambit ni Mama sa likuran ngunit katulad kanina, kay Abus ko lang ibinigay ang atensyon ko.   “Punasan na kita tapos magbihis ka na, huh?” ako sabay ngiti sa kaniya.   “Tapos bibigay mo na pasalubong ko?” inosenteng tanong niya.   Tumango ako, hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi.   Siya na mismo ang kumuha ng tuwalya, ibinalot iyon sa katawan at saka tumakbo sa kwarto nila ni Mama. Nang mawala siya sa kusina, namayani ang katahimikan. Dahan-dahan akong tumayo at bumaling kay Mama. Nag-iwas siya ng tingin ng dumapo ang mata ko sa kaniya.   “Patawad, anak,” muli ay sambit niya.   Bumuntong hininga ako, pagod na at hindi na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin upang matauhan siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na inabutan ko ang mga kapatid kong may mga latay at pasa sa katawan, miski siya ay naaabutan kong may sugat, black eye at higit sa lahat ay hilam ang mata kakaiyak ngunit nagpapanggap siya na wala lang ang mga iyon.   “N-nagpunta siya noong isang araw dito at sinabing magbabago na…” hinigit niya ang kaniyang hininga. “Kaya naman…”   Hindi ko na siya pinatapos.   “Kaya naman nagpauto ho uli kayo?” dugtong ko roon.   Kinakitaan ko ng pagkagitla at hiya ang kaniyang mukha. Lalong nangilid ang luha  niya sa mata at saka humikbi ngunit hindi na ako madala sa ganoon. Nagsawa na ako sa ganoon na lumilitaw na siya ang palaging kawawa gayong ang tunay na biktim ay ang mga inosente kong kapatid habang siya ay paulit-ulit na lamang sa pagpapakatanga sa taong iyon.   “Kahit ilang libong beses ko yata na sabihin sa inyong huwag niyo ng tatanggapin ang lalaking iyon dito ay hindi kayo makikinig,” galit kong sambit.   “Hindi ka na naawa sa mga kapatid ko, Ma. Naawa ka lang sa sarili mo!” Madiin ang bawat bigkas ko ng salita dahil na rin sa galit. “S-sorry… sorry…” siya na iyon lang yata ang alam na salita sa tuwing mauuwi kami sa ganitong sitwasyon.   Kung hindi bumukas ang pinto ay patuloy ko siyang gigisahin. Kung hindi ko narinig ang masayang boses ni Abra ay baka hindi ko napigilan ang sarili ko na patuloy siyang sumbatan.   “Nandito na si ate?” malakas na tanong ni Abra galing doon sa may sala.   Sa halip na magpaabot sa kusina na kasama si Mama na umiiyak ay umalis na ako at sinalubong ang kapatid. Bumakas ang saya sa mukha ni Abra sa pagsungaw ko pa lamang sa pinto ng kusina.   “Ate, pasalubong!” sigaw niya na agad kong ikina-ngiwi.   “Pasalubong lang talaga ang hangad mo sa akin, ano?” tanong ko sa kaniya.   “Hindi, ah! Ano pa ba sasabihin ko sa iyo? Alam mo naman nan a ikaw ang the best at pinakamagandang ate sa balat ng lupa,” aniya na dahilan ng pagtawa ko.   Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko marinig lamang ang halakhak at tawa nilang dalawa ni Abus.   “Ate, si Mama?” tanong ni Abra na luminga pa sa kusina.   Humugot ako ng hininga at saka sumagot.   “Nasa kusina at nagluluto. Huwag niyo na guluhin para masarap ang ulam natin mamaya, huh?” pang-uuto ko sa kanila na agad naman nilang sinang-ayunan.   “Maglaro na lang kayong dalawa ng cellphone,” pahayag ko at saka iniabot ang cellphone sa kanila na marami pang karga.   “Magsalitan at huwag mag-aaway, okay?”   Nang makita ko na abala na sila sa laro ay ipinasya ko na pulutin ang mga kalat sa sahig na iniwan noong demonyong lalaki na iyon. Sinisiguro ko na utang na naman lahat ng mga ito at nakatala sa pangalan ni Mama. Kahit nagngingitngit ako sa galit ay hindi ko ipinakikita sa mga kapatid ko iyon.   Matapos magligpit ay dinala ko iyong lahat sa may kusina. Naabutan ko si Mama na nagluluto ng pagkain. Tortang talong at ginisang sardinas ang ulam namin samantalang ang mga kalat na bitbit ko ngayon ay kakasya na sa aming budget sa loob ng tatlong araw. Binalingan ako ni Mama nang ibagsak ko ang mga iyon sa basurahan.   “Gutom ka na ba? Sandali na lamang ‘to,” aniya, ang boses ay halatang nang-aalo.   “Hindi ka pa ba napapagod?” tanong ko, ang boses ay wala ng buhay.   Hinarap ko siya.   “Ma, normal ba sa iyo ang ganito?”   Bumagsak ang tingin niya sa niluluto, siguradong umiiwas sa akin ngunit tapos na ako sa ganitong taktika niya.   “Ang lalaking iyon, hindi ilang beses na nangako na magbabago pero ganoon at ganoon pa rin ang ginagawa.”   Unti-unting dumidiin ang boses ko at nagtutunog galit.   “Alam kong wala kaming karapatan na sumbatan ka pero ikaw ang gumugusto nito, e,” sambit ko.   Nilapitan ko siya, pinatay ko ang kaniyang niluluto ng makitang ayos na iyon. Tulala na lamang  kasi siya at puro halo ang ginagawa.   “Mama, harapin mo ako,” sambit ko.   Suminghap siya at saka ako tinignan. Nangingilid ang luha sa kaniyang mata.   “S-sorry…” muli ay narinig kong sambit niya.   Dahil hindi ko mapaniwalaan na iyon pa rin ang salitang kaya niyang banggitin, nagsimula akong tumawa ng walang buhay.   “Sorry ka nang sorry pero hindi ka naman nagbabago. Nagpapakatanga pa rin kayo sa lalaking hindi na nga kayo pinakikitaan ng maganda, dinadamay pa ang mga anak niyo.”   “Mahal ko kasi siya, anak,” sagot niya na lalo ko pang ikinatawa.   “Mama,” ako sa kabila ng hilaw na tawa. “Mahal ko rin si Hans pero isang beses niya lang ako pagbuhatan ng kamay ko pagsalitaan ng masama na alam kong hindi ko deserve, hihiwalayan ko agad siya,” nanginginig kong sambit.   “Hinding hindi ako papayag na ganoon ang kakauwian ko kasi kung natatandaan mo…”   Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko.   “Kung natatandaan mo, si Papa… hindi tayo kahit kailan napagbuhatan ng kamay o napagtaasan ng boses,”   Kinabig ko ang kamay ni Mama na nakayuko lang ngayon at alam kong umiiyak pa rin.   “Si Papa na pinakasalan ka, binigay lahat sa iyo sa kabila ng mahirap na buhay,” suminghot ako at nararamdaman ang pagbabara ng lalamunan.   “Hindi siya si Papa. Kahawig, oo,”   “Ate, Mama?” ang mga boses na iyon ay tila pumisil sa puso ko. Mga inosenteng boses nila na hindi alam kung bakit kami ganito.   Suminghap ako, pinunasan ang luha sa mata saka binitawan ang kamay ni Mama.   Tumalikod ako sa kaniya at humarap sa dalawa kong kapatid ngunit bago ko siya iwanan doon ay binitawan ko muna ang ilang salitang sa tingin ko ay magkakaroon ng malaking epekto sa kaniya.   “Hindi ka na nga naging mabuting asawa kay Papa… sa amin man lang maging mabuting Ina ka.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD