Umaapaw ang puso ko sa narinig kong pag-amin niya. Pero gusto kong makasigurado. "Si Vina?" tanong ko sabay lapat ng dalawa kong kamay sa dibdib niya na siyang ikinatigil niya sa pagtangkang halik sa akin. "Huh?" tanging bigkas niya at kunot noo akong tiningnan. Napangiwi ako nang gumalaw siya dahil nakabaon pa rin siya sa akin. Ano, patay malisya lang? Samantalang kulang na lang ay maghalikan sila sa harapan ko. Ang sarap nga nilang pagbuhulin ng gabing iyon. "Paano siya?" dugtong ko at hindi ako kumurap na tumitig sa kanya. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon sa buhay ni Berdugo. Ano siya? Babaunan niya ako ng berdugo junior niya nang hindi niya nilinaw sa akin kung kaano-ano niya ang babaeng 'yun? Lalong lumalim ang gitla sa kanyang noo sa idinugtong ko. "Anong ibig