C5- Marla

1373 Words
Matapos ang nakakawindang na kaganapan kagabi ay natapos rin ang pasurpresa namin para kay Airah. Nauwi kami sa riot dahil sa pambabastos sa beshy kong si Venus. Kaya ang nangyari ay kanya-kanya kaming uwi dahil sa sobrang pagod sa pakikipag-away sa mga bastos na lasinggero. Pero siniguro naman namin na lahat ng nanggulo ay bitbit na ng mga pulis at nasa presinto na. Lalo na 'yong binigyan ko ng flying kick dahil sa pagkabwesit ko. Sobrang manyak, eh ang pangit-pangit naman! Buti sana kung isa sa mga Kanto Boys sa club ay pwede pang pagtiyagaan. E, hindi! Bukod doon, ang baho pa sobra! Nakakadiri pa ang itsura. Lalo na ang mabaho niyang bunganga na akala mo'y amoy imburnal! Yuck! Nakakadiri talaga noong huminga siya sa harapan ko. Kaya napalakas tuloy ang pagsipa ko sa kanya kaya naghihilik pa noong dinala ng mga pulis at isakay sa police car. Ang lalakas ng loob mambastos sa LiquidDoze Bar tapos wala naman pa lang perang pambayad sa mga nabasag nila! Nakakabwesit talaga ang mga ganoong ugali. Mahihirap na nga, mayabang pa. "Hey, Sweetie…" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko si Momiela na sinambit ang pangalan ko kaya kumurap akong bumaling sa kanya. "Yes, Momiela? Are you saying something?" tanong ko na nakatikwas pa ang kilay kong tumingin sa kanya. Kasalukuyan kaming nananghalian at kahit wala akong ganang kumain ay napilitan ako dahil pinipilit na naman niya akong sumabay sa kanya. Kaya pinagbigyan ko na para hindi na magtampo ang pinakamamahal kong Momiela. "Wala ka bang planong bisitahin ang mga magulang mo sa Italy?" Napahinga ako nang marahas matapos kong marinig 'yon. Nag-iwas ako nang tingin at sa halip ay kinuha ko ang juice saka uminom. Pero kahit hindi ako nakatingin kay Momiela ay ramdam ko ang paninitig niyang naghihintay sa akin ng kasagutan. Ang totoo, ayoko talagang pag- usapan ang mga magulang ko dahil ayoko madagdagan ang pagtatampo sa kanila. Pilit ko na nga lang inaaliw ang sarili para hindi ko sila maisip. Dahil everytime na mag-isa lang ako ay lalo lang akong nangungulila sa kanila. Kaya hanggat maaari ay ayaw kong pag-usapan ang mga parents ko para hindi ako maging moody. "Maybe next year, Momiela. Wala kasi ako sa mood mangibang-bansa," simpleng tugon ko at ngumiti ako ng peke sa kanya. Tumitig siya sa akin na tila ba sinusuri niya ako kung totoo ba ang sinasabi ko o kunwari lang. Gusto ko mang matawa dahil ang tagal nang ginawa niyang pagtitig sa akin. Pero mas pinili ko maging tahimik para hindi niya ako mabuking. Dahil wala naman talaga akong balak na bumisita kina Dad at Mom. Magiging boring lang din ako doon at baka kinabukasan ay uuwi rin ako dito sa Pinas dahil walang mag-iintindi sa akin doon dahil pareho silang busy sa work. Gabi na kung makasama ko sila. "Are you sure?" Maya-maya ay tanong niya at gano'n pa rin ang tingin niya sa akin. "U-huh!" ngiti ko at uminom ulit ng juice bago ibinaba ang baso sa table. "You want me to come with you?" biglang alok niya na mapatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Ako naman ang napatitig sa kanya ngayon dahil ngayon lang siya nag-alok. "It's up to you, Momiela," kibit balikat kong sagot at itinuloy ang pagsubo. "Pero hindi ka ba busy?" ngumunguyang tanong ko "When it comes to you? Lagi akong may oras, Sweetie." malambing niyang sagot matamis na ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya dahil kahit kailan ay pinaramdam na naman niya sa akin ang kakulangan ng mga magulang ko. Kung wala si Momiela, hindi ko na alam kung ano na ang buhay ko ngayon. Baka isa ako sa mga napariwarang nagrerebelde sa mga magulang. Ahm, gano'n nga pala ako minsan kapag kinain na naman ang utak ko sa pag-overthink at matinding sama ng loob. "I love you, Momiela…" lambing ko ring pabalik sa kanya. "I love you more, Sweetie. And don't worry, iikutin natin ang buong Italy. Papasyalan natin ang lahat na gusto nating puntahan!" tugon at pangako niya. Bigla akong nasabik at parang gusto ko na lang bukas na agad kami pupunta ng Italy para gawin iyon. Tiyak kasi ay mag-enjoy ako kasama si Momiela. Bukod kasi sa mga friends kong bitches, ay si Momiela lang din ang nakapagpangiti sa akin. Iyon bang hindi ko kailangang magpanggap na masaya para lang sabihin na masaya rin ako kahit ang totoo ay sapilitan lang talaga para hindi ako maging killjoy sa kanila. "Thank you, Momiela! You're the best talaga!" Masaya kong bigkas at ayaw ko man, pero naninikip ang dibdib ko dahil sa kakaibang emosyon ko. Nanunubig rin ang mga mata ko ko kaya sunod-sunod akong kumurap at mabilis nag-iwas ng tingin para hindi niya mahalata. "Asus! Naging bolera ka na naman!" natatawa niyang saad. "Of course not! Totoo po—" "Ma'am, Marla?" Biglang sabad sa amin ni Yaya Meding sa masaya at madramang usapan. Kaya napahinto kami at sabay kaming napatingin sa dito. "Yes, Yaya?" bahagyang dilat kong tanong at napansin kong hawak niya ang wireless telephone. "May tumawag po sa inyong pulis at gusto raw po kayong makausap." "Pulis?" gulat kong sambit na patanong sa naging sagot ni Yaya bago tumingin kay Momiela. "Bakit daw?" apila rin ni Momiela at tumingin sa akin. "Hindi ko po alam, Madam. Basta gusto daw pong makausap si Ma'am, Marla." Kumunot ang noo ko at lalo akong nagtaka dahil sino na naman kayang gustong mang-trip sa akin ngayon? Sa ngayon kasi ay wala pa akong natanggap na reklamo sa mga babaeng nilampaso ko kaya nagtataka talaga ako. Pero bigla na lang sumiksik sa utak ko ang nangyari kagabi at baka iyon nga ang dahilan kaya ako kinontak dahil ako mismo ang nagpakulong sa mga bastos na lasinggero. Baka nahimasmasan na ang bwesit sa loob ng kulungan. "Akin na, Ya." Nilahad ko ang kamay para sa telepono. Agad naman niyang inabot sa akin at pagkabigay niya, mabilis kong dinikit sa tainga ko bago nagsalita. "Marla Alonzo's speaking?" bigkas ko agad sa kabilang linya. "Hi, Ma'am, good afternoon." narinig kong bati niya sa kabilang linya at rinig ko agad na parang nagkakagulo sa presinto. "Hi, good afternoon." Sa halip ay bati ko rin pabalik pero ang pinakinggan ko ang mga reklamo dahil mukhang tama nga ang hinala ko. Nahimasmasan na ang mga pangit na lasinggero! "Yes. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na pinalaya na po namin ang isa sa mga pinakulong ninyo–" "What?! Bakit niyo naman pinalaya ang bastos na 'yun?!" Pasigaw kong putol sa kabilang linya at wala akong pakialam kung mabingi siya sa lakas ng boses ko. "Ma'am, huminahon po kayo at makinig–" "Mahinahon! Makinig? How can I do that, huh?! Binastos nila ang kaibigan ko at nanggulo sila sa bar! Tapos palalayain niyo lang?! Para saan ang batas?!" Napatayo kong putol ulit sa kanya. Nakakabwesit. Ano ang nangyari sa sinasabi nilang batas?! Hindi ako papayag na gano'n na lang 'yon! "Ma'am, makinig po muna kayo. Dahil napag-alaman po kasi namin na hindi po siya kasabwat sa mga nanggugulo kagabi sa bar." Mabilis niyang paliwanag at halata ko rin na natataranta siya. "Paanong hindi siya kasabwat? E, kitang-kita kong gusto niyang tulungan ang kasamahan niya!" gigil kong sagot at marahas na huminga. "Ma'am, totoo po ang sinabi ko at napatunayan na po namin na inosente talaga siya." "No! Nagsisinungaling lang siya para maabswelto!" "At isa pa, Ma'am, hindi rin siya kilala ng mga kasama niyang pinakulong ninyo." Bigla akong natigilan pagkarinig niyon. Pero hindi ako maniniwala dahil kasabwat talaga siya sa bastos na iyon. "Pupunta ako diyan ngayon din. At ako mismo ang magpapatunay na kasabwat siya sa mga bastos na iyon." Asar kong saad bago tinapos ang tawag. "What was that, Sweetie?" tanong sa akin ni Momiela na tahimik lang kanina sa buong pag-uusap namin ng pulis. Nagbuga ako ng marahas at tumingin sa kanya. "We'll talk later, Momiela. Pupunta muna ako roon bago masira ang mood ko." sa halip ay sagot ko kay Momiela at humalik sa kanya bago umalis para pumunta sa presinto. Humanda sila sa akin dahil hindi ako papayag na basta na lang pinalaya nila ang isang 'yun! Sisiguraduhin ko talagang babalik siya at bibigyan ko sila ng leksyon sa loob dahil sa ginawa nila kay Venus!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD