Matalim ko siyang tiningnan habang hindi ko siya hiniwalayan ng tingin kung saan siya nakaupo. Nakita kong nasa malapit lang pala siya sa table namin at naisip kong siguro ay kanina niya pa kami nakikitang naglalandian dito sa puwesto namin na malapit lang sa bar counter. Naisip ko kasing dito muna kami pupuwesto habang wala pa 'yong apat. Ayokong doon kami sa vip at baka hindi na makapag-timpi si Donn sa kalibugan niya. Baka bigla na lang niya akong papakin lalo't kanina ko pa siya napapansin na panay ang pisil sa aking katawan. Baka madala ako at mauwi kami sa milagro. Nang makita kong umupo siya kasama ang tatlo pang mga lalake ay hindi ko mapigilan na ikumpara siya sa mga ito. At kahit halos parehong may itsura ay kitang-kita pa rin ang pagiging lamang niya. At masasabi kong isa rin