Tinitigan ko nang mabuti ang kotse at baka nagkamali lang ako na kay Miss Bintangera nga 'yon. Hindi kasi ako sigurado dahil medyo madilim at bukod doon, inaantok na ako kaya nanlalabo na ang mga mata ko. Saka hindi lang naman kasi nag-iisa ang kotse niyang dumadaan at nag-park dito. Minsan nga akala ko ay tumirik na naman siya, pero iba pala. Kumurap ako't umiling para alisin ang antok saka tumutok ulit doon. Nagdadalawang isip akong lapitan ang kotse at baka mapagbintangan na naman ako ng wala sa oras. Mahirap na at baka iisipin pa ng may-ari na pagnanakawan ko siya kaya mas mainam na dito lang ako sa malayo. Gustuhin ko man na umalis pero parang may pumigil sa akin na huwag muna at mas parang may nag-udyok sa akin na lapitan ko na ang kotse. Lumakas pa ang kaba ko nang makitang para