Mahigit dalawang linggo na ang lumipas magmula ng mangyari ang halikan naming iyon, pero hindi ulit 'yon nasundan. Ang plano ko dati ay akitin siya hanggang sa bumigay para makapag-higanti ako pero hanggang ngayon ay tumindi ang pag-iwas niya sa akin. Iyon ang nangyari at halatang-halata ko iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing sumisimple ako ng pang-aakit sa kanya ay nakasimangot agad siya at ramdam ko na ang kalamigan niya. Kaya bigla rin akong nakaramdam ng slight na hiya kaya huminto na lang ako. Baka kung ano na naman ang isipin niya tungkol sa akin. Mahirap na dahil sa squatters pa naman siya nakatira kung saan nag-umpukan ang maraming advance na tsismosa! Sinusunod naman niya ang lahat ng utos ko pero nakasimangot ang mukha na daig pa ang niregla oras-oras. And I hate