Hidalgo Mansion Binigyan ni Adriano si Peach ng sariling kwarto na katapat lamang ng kwarto niya ngunit nagkulong lang doon maghapon si Peach at natulog dahil hindi niya naman alam kung anong gagawin niya doon. Nang magising si Peach ay naramdaman niya kaagad na hindi siya mag isa sa kwarto dahil nakabukas ang pinto, at pagtingin niya ay nakaupo sa sofa si Adriano at tila pinagmamasdan siya. "Anong kailangan mo?" tanong ni Peach. "Hindi ka raw lumabas maghapon," saad ni Adriano. "Ngayon lang kasi ako nakakuha ng maayos na tulog eh kaya nagpahinga na lang ako," saad ni Peach. “Fine, but get ready tonight, I want you to give me my money’s worth,” saad ni Adriano saka lumabas ng kwarto nito. *** Tila kumakabog ng malakas ang dibdib ni Peach ngayong pagmamay ari na siya ni Adria