Pagpasok ulit ni Peach sa Bar ay nagkakagulo sa dressing room nila at nagkukumpulan ang mga kababaihan. Hindi niya alam kung bakit kung kaya’t nakiusyoso na rin siya ngunit nagulat siya ng batiin siya ng mga ito. “Hoy ikaw ah! May hindi ka sinasabi sa amin ah! Bakit may pa flowers si Papa Adriano sayo?” tanong ni Lychee. Napakunot ang noo niya, “Flowers?” “Ayan ohh, ang ganda pa nga ng boquet mukhang mamahalin, Dzai! Sosyal!” saad naman ni Apple Berry. “Sanaol may pabulaklak diba,” saad naman ni Quince. Kinuha naman iyon ni Peach at tinignan ang nakasulat sa card, “See you later, My Peach, Adriano” “May kinikilig ang puday dito,” saad ni Quince. “Ano ba kayo, customer lang yan,” saad ni Peach na ibinaba sa lamesa niya ang bulaklak. “Tama, customer, isang napaka sweet na bil