“Yona please, stay with me!” singhal ni Adriano habang itinatakbo sa emergency room si Yona. Napuno ng dugo ang suot niyang suit dahil sa pagbuhat niya dito. Hindi niya sinasadyang hindi pansinin si Yona, sadyang nag aalala lamang siya kay Peach dahil ibinalita ni Louie sa kanya na lasing ito ngunit ngayon ay hindi niya na alam kung sino ang uunahin. Agaw buhay si Yona ngayon sa emergency room at hindi alam kung magigising pa siya. Naiwan siyang nasa labas ng emergency room at tila hindi malaman ang gagawin, maya maya ay nag ring ang cellphone niya, kaagad niyang sinagot iyon ng makitang si Louie ang tumatawag. “Hello, Adriano, nasaan ka na?” “Nandito ako sa ospital, si Yona naaksidente,” “Ano?! Bakit? Anong nangyari?” “Nag uusap kami, eh kukunin ko sana yung kotse ko sa kabi