Halos isang buwan ring hindi pumunta doon si Adriano at marahil ay nagpapalamig pa ito habang si Peach naman ay tuloy lang sa pagkayod, walang humpay na giling dito, at giling doon ang ginagawa niya upang kumita man lang ng sapat, hindi niya na iniisip ang puyat at pagod, ang mahalaga ay makaipon siya upang mabayaran ang utang niya kay Madam Leah at makaalis na siya sa ganong klaseng kalagayan kagaya na lamang ng nangyari kay Apple na nakabingwit ng bilyonaryo kung kaya’t hindi na ito nagtatrabaho doon. Nakapag paalam na rin sila dito ngunit binibisi bisita pa rin sila ni Apple at tila hindi nakakalimot sa mga pinagsamahan nila sa Bar. Unti-unti na ring nagiging maayos ang buhay ng mga kasamahan niya sa trabaho na sila Lychee at Quince at maging si Melon na matagal na rin nilang nakakasama