Nang makauwi si Peach ay masamang masama ang loob niya kung kaya't dumiretso siya sa mini bar kung saan naroon si Mang Ronnie at naghahalo na naman ng drinks. "Mang Ronnie, pwede ho bang makahingi ng alak? Kailangan ko lang ho," saad ni Peach na pilit na tinatago ang pag iyak. "Pero Ma'am Peach, di ho yata masyado pang maaga para maghanap kayo ng alak? Hapon pa lang ho ayaw niyo ho bang mag meryenda? Marami naman pong makakain sa kusina," saad ni Ronnie kay Peach. "Ayoko po, gusto ko pong uminom," saad ni Peach. "Baka mamaya ay makagalitan na naman ho kayo ni Sir Adriano," "Hindi yan, ako na lang bahalang magpaliwanag sa kanya," "Ladies drink po ba, Ma'am?" "Kahit ano po Mang Ronnie, basta nakakalasing, sa kwarto ko na lang po iinumin," "Sige ho ma'am, ipapahanda ko na lang