KINABUKASAN ay nagising si Peach na punong puno ng luha ang kanyang unan at namumugto pa ang mga mata sa pag iyak. Ni hindi siya pinuntahan ni Adriano sa kwarto niya upang magpaalam na papasok na ito sa opisina. Dati ay palagi siyang nagigising sa tuwing nagpapaalam ito na papasok na ngunit ngayon ay nagising na lang siya na nakaalis na ito. Muling bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Kitang kita ng dalawang mata niya kung paano halikan ni Adriano si Yona. napabuntong hininga siya, naalala niya pa na bumaba siya ng kusina at dumiretso sa mini bar at humingi na naman ng alak kay Mang Ronnie upang hindi niya na maisip pa iyon ngunit kahit anong paglalasing niya ay hindi iyon mawala sa utak niya. Maya maya ay biglang lumiwanag ang cellphone niya at nakita niya ang text message n