Nang magising si Peach ay nagulat siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar, nagpalinga linga siya sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan siya kaya nang mahagip ng mata niya ang isang bintana na naroon ay pinuntahan niya na ito, nakabukas naman at mukhang pwedeng tumakas kung kaya’t kinuha niya ang kumot at inirolyo at itinali sa paanan ng kama at ang kabilang tela naman ay isinabit niya sa bintana. Kung ano ang suot niya kagabi ay gayon pa rin ang suot niya hanggang ngayon kung kaya’t natitiyak siyang ayos lang siya at walang nangyaring masama sa kanya kaya tatakas na siya sa lugar na iyon dahil pakiramdam niya ay hindi na siya ligtas kapag nanatili pa siya doon. Buong tapang siyang bumaba ng bintana at dahan dahang kumapit sa kumot, maingat siyang bumaba mula sa 4th floor na kina