Charles Anderson
C&A Corporation INC
“Any good news Allan? wala pa din bang lead sa pinapahanap ko sayo?” Limang taon na ang lumipas hindi ko pa din siya mahanap. Gabi gabi akong dinadalaw nang nakaraan.
Ang gabing ‘yon na hinding-hindi ko makakalimotan, limang taon na ang nakaraan pero malinaw na malinaw pa rin sa akin isipan ang mga nangyari nang gabing un. Ang magandang mukha niya, ang napakatamis niyang mga labi at ang napaka lambot nitong katawan. Simula nang gabing un hindi na ako nag ka interest sa ibang babae tuwing susubokan kung makipag niig sa isang babae lagi kung hinahanap ang amoy niya at ang napakatamis niyang labi. Kaya tumitigil ako at nilalayasan ko ang babaeng kaniig ko.
“Bakit bigla na lang siyang nawala at kahit saan ko hanapin hindi ko talaga siya matagpoan” sa isip ni Charles.
Gabi gabi akong nag papabalik-balik sa bar nagbabakasakali na bumalik siya. Ipina guhit ko ang mukha niya ayon sa natatandaan ko. Nag hired ako nang private investigator upang ipahanap siya. Pero hanggang ngayon bigo pa din ako.
“Saan ka ba nagtatago at hindi kita mahanap?!” Pinahalughog ko na ang buong Pilipinas pati sa ibang bansa hindi pa din kita matagpoan. Kahit pangalan mo hindi ko man lang nalaman.
“My baby sana isa sa mga araw na eto makita na kita.”sambit niya.
“Sir wala pa po akong lead sa ngayon, pero patuloy pa rin po ako na maghahanap” sambit ni Allan.
“Allan balitaan mo agad ako pag may lead ka na, bye”
“May baby maghihintay ako kahit gaano katagal”
“Sir I just want to remind you about your meeting with Mr. Madrigal”
“Okay, thank you, Janice”
Dinampot ko na ang aking cellphone at laptop para kıtain si Mr. Madrigal. Nag hihintay na ang aking driver sa baba. Hands-on ako pag dating sa aking mga negosyo. Marami naman akong mga tauhan na mapag kakatiwalaan pero dahil nga sa nakaraan ko 5 years ago kaya gusto ko lunurin ang sarili ko sa pag ta-trabaho
“I feel I’m losing my mind thinking too much about her” sambit niya. Ayaw ko mag pahinga kasi siya lang laman nang isip ko.
Kaya lalo pang lumago ang aking mga negosyo kabilaan ang mga meetings at out of town ko at minsan may mga pagkakataon na inaabot ako nang ilang buwan sa ibang bansa upang asikasohin ko ang mga branches nang negosyo ko doon. Sa loob nang limang taon walang oras na hindi ko siya naiisip.
“Hello bro! What’s up?” Ang kaibigan kung si Justin na laging tumatawag sa akin. Lahat nang mga kaibigan ko alam ang pinag-dadaanan ko. Alam nila ang tungkol sa pagpapahanap ko sa kanya. Wala naman kaming tinatago sa isa’t isa kaya alam namin kung may problema ang bawat isa.
“Oo Sige punta ako d’yan later, I have one appointment left and after that, I headed there.”
“Oo hindi ko nakakalimotan ang birthday nang inaanak ko” sabi niya kay Justin sa telepono. Ilang beses na siyang tumawag upang ipaalala ang birthday nang anak nito. Ang panganay na anak nila ni Alysa.
“Hey! Mister, you know where is the restroom here?” Tanong nang batang babae na super cute. Napatitig ako sa kanyang mga mata at may kakaiba akong naramdaman. May kamukha siya pero hindi ko matukoy.
“Chelly what are you doing here?” Narinig kung tanong nang may katandaan nang babae.
“I looking for mommy grandma” sagot nang batang babae na bibong-bibo.
Nawala lang ang tingin ko sa bata nang mag tanong ang driver ko.
“Sir alis na ba tayo?”
Sige Mang Ben let’s go”
Pag lingon ko wala na ang bata at ang matandang babae na tinawag nitong grandma.