Inis na inis si Avery kay Charles nang sabihin nito na kukunin niya si Chelly sa kanya. Hindi naman siya tatanggi sa kasal na gusto nitong mangyari para kay Chelly at alam niyang hindi din papayag ang ama niya na hindi matuloy ang kasal. Iniwanan muna ni Avery si Chelly kay Charles. Umuwi siya at ang mga magulang niya sa bahay nila. Naligo siya at nakabihis na para bumalik sa hospital nang tawagin siya ng kanyang ama at kausapin. Nagmamaneho na siya papuntang hospital hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi nang kanyang ama nang magusap sila kanina… “Dad bakit naman pumayag ka agad na magpakasal kami ni Charles. Alam kung humahanga ka sa kanya pero hindi naman ‘yon rason na ipamigay mo agad ako” “Anak gusto ko lang na lumaki si Chelly na may buong pamilya at mukha naman na mahal k