Chapter 2

1026 Words
Avery Salazar POV “Baby be careful” Napakalikot na talaga nang kanyang anak na si Chelly. Limang taon na eto. Kababalik lang nila sa Pilipinas. Sa America niya pinanganak si Chelly kaya English ang lenggwahe ang gamit nito. Matalino ang kanyang anak at bibong-bibo. Matured eto mag-isip parang hindi limang taon eto pag nagsasalita. Eighteen pa lang siya nang magbuntis siya kay Chelly. Lahat nang hirap pinagdaanan niya. Hirap na hirap siya noon nang pagbubuntis kay Chelly. Malinaw na malinaw pa rin sa aking alaala ang nakaraan parang kahapon lang eto nangyari.. Sa loob nang limang taon hindi nawala sa isip ko ang gabing iyon at mga sumunod na araw, linggo at buwan. Malinaw na malinaw pa rin sa alaala ko nang malaman kung buntis ako 5 years ago Pagmulat ko nang aking mga mata hindi pa ako agad maka pag adjust sa liwanag. Pag tingin ko sa kabuoan nang silid lumaki ang mga mata ko. “Hindi ko eto silid, nasaan ako?” sa isip n’ya. Pag tingin ko sa gilid ko may lalaking nakayakap sa akin at tulog na tulog pa eto. “Ano ba nangyari kagabi? Baka hinahanap na ako nila mommy at daddy” Inalis ko nang dahan dahan ang braso nito sa akin at bumangon ako. Nanakit ang buong katawan ko at pagtingin ko sa sarılı ko wala akong kahit na anong saplot. Hirap na hirap akong makatayo. Ang sakit nang katawan ko lalo na ang nasa gitna nang mga hita ko. Muntik pa akong matumba dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Pinilit kung pulotin isa-isa ang mga damit kung nagkalat sa sahig. Nag punta ako sa banyo, pagtingin ko sa salamın nakita ko ang mga pulang marka sa katawan ko. Naiiyak na ako at hindi ko alam ang gagawin. Dali-dali akong nag linis nang katawan at nag bihis. Dahil sa kalasıngan ko naipag kaloob ko ang aking sarili sa isang estranghero. Pag labas ko nang banyo tulog na tulog pa ang estranghero na pinag-kalooban ko nang aking sarili. Dinampot ko ang aking bag at umalis na agad sa lugar na iyon. Habang nasa taxi ako hindi ko mapigilan ang aking mga luha na tuloy-tuloy ang pag buhos. “Paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko ang nangyari?” sa isip niya. Pagkauwi ko sa bahay tulog pa ang aking mga magulang at umakyat na ako sa aking silid. Naligo ako kahit anong kuskos ko sa sarılı ko hindi na maibabalik ang virginity ko. Hindi matapos-tapos ang buhos nang luha ko hanggang sa nakatulogan ko na ang pag-iyak. Hindi ako lumabas nang silid ko mag hapon nagkulong lang ako. Sabi ko kila mom at dad masama ang pakiramdam ko. Pinahatiran na lang ako nang pagkain ni mommy sa kasambahay namin. Pagkalıpas nang mga araw medyo naging okay na ako. Bumalik na sa normal ang buhay ko. Nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo. Pangarap kung maging isang architect. Alam nang best friend ko ang nangyari nang gabing iyon. Siya lang ang nakakaalam kahit ang mga magulang ko hindi ko sinabi ang mga naganap nang gabi nang birthday ko. Malaki ang tiwala nang mga magulang ko sa akin kaya masakit sa kalooban ko ang pag lihiman sila. Isang buwan na ang nakakalipas simula nang mangyari ‘yon balık na ang buhay ko sa dati. “Anak gising na mahuhuli ka na sa klase mo” gising ni mom sa akin. “Mom ang sama nang pakiramdam ko” Bigat na bigat ang pakiramdam ko ilang araw na akong ganito. Antok na antok ako lagi kahit sa klase at sa umaga nagsusuka ako. Tulad ngayong araw na eto hindi ko maintindihan ang sarili ko may gusto akong kainin na hindi ko matukoy at antok na antok ako. Maaga naman ako natutulog. “Besh hindi ako makakapasok, masama na naman ang pakiramdam ko at nag susuka ako kanina pa” sabi ko sa best friend ko sa telepono. “Bakit hindi ka nag sasalita dyan? “ still there?” Sabi ko pa. “Besh hindi kaya buntis ka?” sabi nito na ikinagulantang ko. Napaisip ako na hindi pa nga ako nagkakaroon isang buwan na regular naman ang period ko. “Besh natatakot ako, Paano nga kung buntis ako?” naiiyak na ako. “Wait me I’ll be there in thirty minutes. Bibili na rin ako nang pregnancy test” sabi niya pa. “Kınakabahan ako paano kung buntis talaga ako? Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin kina Mom and Dad na hindi ko naman kilala ung lalaking ‘yon” sa isip ni Avery. Wala pang thirty minutes dumating na si Isabel ang best friend ko. Niyakap niya agad ako. “Mag pregnancy test ka na para malaman natin kung buntis ka” Dali dali akong pumasok sa banyo. Nanginginig ako at nang-lalamig sa pag hintay nang result. Napahagulhol ako nang makita ko ang resulta. Nanglulumo akong lumabas nang banyo at umiyak nang umiyak. Niyakap ako ni Isabel nang mahigpit. “Everything’s gonna be alright best. Kailangan mong sabihin kila tita at tito ang kalagayan mo” sambit ni Isabel. Kinausap ko ang mga magulang ko tungkol sa kalagayan ko. At sinabi ko sa kanila ang mga nangyari. Napagpasyahan na dalhin ako sa America. Tumira ako sa tita ko. Hirap na hirap ako sa pag bubuntis ko. Pinag-sabay ko ang pag aaral at pag tatrabaho. Sa tulong nang tita ko naipanganak ko nang maayos ang baby ko. Pinag-patuloy ko ang aking pag aaral at ngayon nga ay isa na ako sa mga kilalang architect sa America. Umuwi kami nang Pilipinas kasi pinadala ako nang kompanyang pinapasokan ko na pamahalan ang bagong itatayong resort sa Pilipinas na pag-aari nang kompanyang C&A Corporation INC. Eto daw ang pinaka malaking kompanya sa Pilipinas na nag-mamayari nang malalaking resorts, airlines at shipping company. Sabi nang boss ko kababata niya at matalik na kaibigan ang may-ari nito kaya sa akin niya pinagkatiwala ang proyektong eto. Kaya ngayon after five years nakabalik na kami nang anak ko sa Pilipinas na ikinatuwa naman nang aking mga magulang dahil gusto nila makasama ang apo nila. Sana lang hindi mag krus ang landas namin nang estranghero na ama nang anak ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD