Chapter 4

1154 Words
Maaga akong umalis nang bahay para sa meeting sa C&A para sa itatayong resort. Buti tulog pa si Chelly nang umalis ako kung hindi maghahabol na naman yon sa akin. May pagkakataon na isinasama ko si Chelly sa mga meetings ko pero ngayon hindi ko siya pwedeng isama at nakakahiya sa CEO nang kompanya na ka meeting ko. Tinakbo ko na ang papasarang elevator para hindi ako ma late sa meeting. Nasa ika-labing walong palapag ang conference room ayon sa receptionist na pinagtanongan ko.Pag-dating ko sa palapag kung saan gaganapin ang meeting nagmamadali akong lumabas nang elevator. “Hi good morning, I am architect Salazar, I have an appointment with Mr. Anderson" sambit ko. Tiningnan ako nang kausap ko mula ulo hanggang paa at nakataas pa ang kilay nito. Taas noo ko siyang tiningnan. “Mas maganda ako sayo girl” natawa ako sa naisip ko. Pag dating ko sa conference room hindi pa nagsisimula ang meeting. Naupo agad ako sa bakanteng upoan na nakita ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay mommy kung nagising na si Chelly. Baka umiyak pag gumising na hindi ako makita.Sabi naman ni mommy gising na at hindi naman umiyak. “Big girl na talaga ang baby ko” Napangiti ako sa naisip ko. Nakatutok ang mata ko sa cellphone ko nang marinig ko ang pagbukas nang pintoan nang conference room at tumayo ang mga kasama ko kaya nakitayo na rin ako. Nagulantang ang mundo ko nang makita ang mukha nang lalakeng naglalakad patungo sa pinakadulo nang mesa may kasama etong babae na may hawak na Ipad, assistant niya siguro. Para siyang modelo nang mga suits. Sa tingin niya six feet ang taas nito at ang ganda nang katawan at tindig nito. Para siyang hari na naglalakad patungo sa trono niya. “Bakit ko ba pinupuri ang lalakeng to?”inis niyang bulong. Ang estranghero na ama ni Chelly at si Mr. Anderson ay iisa. Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto kung tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Yumuko ako para hindi niya ako makita. Alam kung matatandaan niya ako kapag nakita niya ang mukha ko. Bago ako umalis nang araw na iyon kinuhanan ko siya nang larawan kaya kilalang-kilala ko ang mukha niya. Nag matured lang siya at naging prominent ang itsura niya pagkalipas nang limang taon. “Bagay na bagay sa kanya ang suit niya at ang maayos niyang buhok. Para siyang modelo nang suit. Bakit ba dalawang beses ko nang pinupuri ang lalakeng ‘to?” Napailing ako sa naiisip ko. Nangangatog na ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Umupo siya at pinasadahan nang tingin ang mga tao sa buong conference room. Nanlamig ako nang dumako ang tingin niya sa gawi ko. Alam kung nakilala niya ako sa uri nang tingin niya sa akin. Hindi niya inaalis ang paningin niya sa akin kahit nag simula na ang meeting. Nagkunwari akong nagbabasa sa papel na binigay kanina. Nagulat pa ako nang tawagin ang pangalan ko para sa presentation na gagawin ko para sa design nang resort. Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad patungo sa unahan. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kung paano ko natapos ang presentation ko nang hindi nauutal sa kabila nang kabang nararamdaman ko. Bumalik ako sa upoan at hindi na siya tiningnan pang muli. Nagmamadali na akong dampotin ang mga gamit ko pagkatapos nang meeting upang makaalis na ako sa lugar na eto. Hindi ako makahinga nang maayos pag-nasa malapit lang siya. Napasinghap ako nang tawagin niya ang pangalan ko at sabihing magpaiwan ako. Nang mag-simula siyang banggitin ang nakaraan doon na bumuhos lahat nang sama nang loob ko sa kanya. Lahat nang gusto kung sabihin sa kanya nang araw na iyon ay naisambulat ko na. Sınıra niya ang buhay ko. Hindi ko naman pinagsisihan ang nangyari dahil mayron akong Chelly na nagpapasaya sa akin. Gusto ko lang sumbatan siya sa ginawa niya sa akin noon. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kung masabi sa kanya ang lahat nang nasa loob ko na hindi ko nasabi sa kanya noon pagkatapos nang gabing iyon. Taas noo akong umalis nang conference room. Ipapakita ko sa kanya na baliwala lang sa akin ang nangyari noon. Nang makaharap ko si Mr. Anderson nang malapitan kanina parang nakita ko ang mukha nang anak kung si Chelly sa kanya. “Kamukhang-kamukha pala ni Chelly ang ama niya para silang pinagbiyak na bunga” naisip ko. Kung ipagpapatuloy ko ang proyektong eto may chance na magkita ang mag ama na ayaw kung mangyari. Paano kung kunin niya ang anak ko sa akin?bilyonaryo siya at kayang-kaya niyang makuha ang anak ko.Natatakot ako sa mga naiisip ko. Dali-dali kung tinawagan ang kaibigan ko at boss ko na si Steve sa US para sabihin sa kanya na bibitawan ko ang project na eto at babalik na lang kami nang anak ko sa America. Nanglumo ako pagkatapos naming mag usap. Sinabi niyang hindi ma-aari ang gusto ko dahil naka pirma ako nang kontrata at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya para sa proyektong eto. Kung magkikita ang anak ko at si Mr. Anderson balang araw ipaglalaban ko ang anak ko sa kanya. Nagmamadali na akong makauwi upang mayakap ko ang anak ko. Ang anak kung si Chelly ang nag papagaan nang kalooban ko pag ganitong madami akong iniisip. “Mommy your home” salubong agad sa akin nang anak ko. Yumakap agad siya sa akin at nagpabuhat. “You miss me?” Tumango naman agad eto. “Naging mabait ka ba kay grandma” tanong ko sa kanya at pinanggigilan ko ang kanyang pisngi. “Ang mukha nang anak ko ay girl version nang mukha ni Mr. Anderson” naibulong ko sa sarılı ko. “What mommy? who is Mr. Anderson?” narinig pala ni Chelly ang bulong ko. “My boss baby” sambit ko. “I thought Uncle Steve is your boss? tanong pa niya. “My new boss baby” paliwanag ko sa kanya. Nanulis ang labi nito at parang nagiisip. Matalino at matured at bibong-bibo ang anak kung si Chelly tuwing lalabas kami maraming tao ang natutuwa sa kanya. Madaldal ang anak kung si Chelly at matanong kahit sa opisina ko noon sa US tuwang-tuwa ang mga kasamahan ko sa trabaho pag ışımasana ko siya. May pagkabolera kasi ang anak ko kahit limang taon pa lang siya. Habang nakaupo kami sa sofa pinagmamasdan ko si Chelly. Alam kung hindi ko habang buhay na maitatago sa ama niya si Chelly. Alam kung darating ang panahon na magkikita sila na kinatatakotan kung mangyari. Maraming tanong si Chelly kung nasaan ang ama niya at kung kailan eto babalik. Ang lagi kung sagot sa kanya na nasa malayo nagta-trabaho ang kanyang ama at babalik din eto balang araw. Ngayon na nagkita kami ni Mr.Anderson at siya pa bago kung boss nangangamba ako na kunin niya ang anak ko sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD