Chapter 8

841 Words
“Yes mom may meeting po ako ngayon kay Mr. Anderson. Kayo na po muna bahala kay Chelly” Nakakaramdam ako nang kaba na makita ulit si Charles. Malinaw pa rin sa isip ko ang huling engkwentro namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para akong nasasabik na makita siyang muli. Nitong mga nakaraan araw madalas akong mag research tungkol kay Charles at madalas napapatitig ako sa mga pictures niya. Hindi ko din alam ang dahilan nang meeting na eto. Ang alam ko dapat sa Job site na ako mag re-report. Kahapon nakatanggap ako nang tawag sa secretary ni Charles na gusto ako nitong makausap about sa design. Wala pa sa itinakdang oras nasa labas na ako nang opisina ni Charles. “Ma’am pasok na po kayo” “Thank you” Pagkapasok ko nakita ko si Charles na may kausap sa cellphone. Tumayo muna ako sa harap nang table niya. Hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko. Nang humarap si Charles sa kanya napatitig siya sa mukha nito. Kakaiba ang t***k nang puso niya sa paraan nang pagkakatitig nito sa kanya. Parang nanghihina ang mga tuhod niya “Ano ba Avery relax” pagkausap niya sa sarılı niya. Nang tumayo si Charles at naglakad palapit sa kanya para etong nag slow motion. “Ano bang nangyayari sa akin? sa isip niya. Bolta boltabeng kuryente ang dumaloy sa katawan niya nang ma hawakan ni Charles ang kamay niya. Napapikit siya nang unti unting nilapit ni Charles ang mukha sa kanya at nang maramdaman niya ang labi ni Charles sa mga labi niya kakaibang pakiramdam ang dulot nito sa kanya. Gusto gusto niya ang mga halik nito. Si Charles lang ang nakakahalik sa labi niya simula noon hanggang ngayon. Nang tumigil eto sa paghalik gusto niya pang habolin ang labi nito. “As sweet as ever” sambit ni Charles Nararamdaman niya ang pagiinit nang magkabilang pisngi niya. Hindi niya na naman napigilang tugonin ang halik ni Charles. Ginawaran pa siya nito nang magaan na halik sa labi bago eto bumalik sa kinauupoan nito kanina. Nakatulala lang siyang nakatingin kay Charles. Bumalik lang siya sa ulirat nang marinig niya ang tawa ni Charles. Nagmamadali siyang dinampot ang kanyang mga gamit at walang lingon na iniwan niya eto. Out of nowhere hinawan niya ang labi niya. Hanggang ngayon nararamdaman niya pa rin ang halik ni Charles. “Naku Avery halik lang nang lalakeng iyon nagkakaganyan ka na” Pagkausap ko sa sarılı ko. Hindi niya alam kung paano siya nakalabas nang building pagkatapos nang halik na pinagkaloob ni Charles s kanya. “Boysit talaga ang lalakeng iyon”bulong niya habang naglalakad papasok sa bahay nila. “Mommy” patakbong salubong sa kanya ni Chelly. “You miss mommy?” Tinitigan kung mabuti si Chelly at nakikita ko ang mukha ni Charles. Napailing iling na lang ako. Bukas magsisimula na siyang mag trabaho sa Job site. Sa Batangas ang itatayong resort kaya doon siya maninirahan pangsamantala magiging hassle sa kanya kung maguuwian pa siya nang Manila. Nag provide naman ang kompanya ni Charles ang bahay na tutuloyan niya sa Batangas. Hindi niya pa eto nakikita kaya hindi niya alam kung ano ang itsura nang bahay. “Anak nakauwi ka na pala? Naging maayos ba ang meeting mo?” tanong ni mommy na ikinagulat ko pa dahil sa malalim kung pagiisip. “Yes mom okay naman po” “Bukas ka na pala pupunta nang Batangas anak nakapaghanda ka na ba?” “Yes Mom na ready ko na lahat nang kailangan ko. Kayo na po muna ang bahala kay Chelly mom. Ngayon lang kami magkakalayo ni Chelly nang matagal” Ngayon pa lang na mimiss niya na ang baby Chelly niya. “Mommy don’t worry I’ll be good girl to grandma and grandpa” Parang gusto niyang maiyak sa sinabi nang anak niya. “Big girl na talaga ang baby Chelly ko” pinupog niya nang halik si Chelly at niyakap nang mahigpit. Nang makatulog si Chelly naisipan niyang lumabas at maglakad lakad sa labas para makapagpahangin. Gülat na gukat siya na makita si Charles sa labas. “Anong ginagawa niya dito?”sa isip niya. Ang lakas nang kabang nararamdaman niya dahil nasa loob lang nang bahay si Chelly. Paano kung bigla etong magising at lumabas nang bahay makikita niya ang ama niya na hindi niya pwedeng hayaan na mangyari. “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko? “I have my ways sweetheart” sambit ni Charles Patingin tingin ako sa loob nang bahay para masiguro na wala si Chelly or si mommy. Halos kaladkarin ko na si Charles pabalik sa sasakyan niya. “Umalis ka na Charles” Halos magmakaawa na ako sa kanya. Nakahinga ako nang maayos nang pumasok na siya sa sasakyan niya. Nagulat pa ako nang bigla etong lumabas sa sasakyan at hilain ako at dampian nang magaan na halik sa labi bago nito pinaandar ang sasakyan palayo. Ngayong alam na ni Charles kung saan ako nakatira hindi malayong magkita ang mag ama…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD