“See you soon sweetheart” Ngayon ang dating ni Avery sa Batangas kaya napagpasyahan kung bumalik ngayong araw. Dumaan muna ako sa opisina bago ako nagmaneho papuntang Batangas. Dahil sa medyo tanghali na naipit na ako sa traffic. Kaya medyo tirik na ang araw nang makarating ako nang Batangas. Nagmamaneho na ako papasok sa loob nang farm nang matanaw ko si Avery na naglalakad lakad. Nagmadali akong makapag park para masundan ko siya. Nakikita kung aliw na aliw si Avery sa mga puno nang prutas. “I love your smile Avery” bulong niya habang pinagmamasdan niya si Avery na nakangiti habang namimitas nang prutas. Sa sobrang pagkalibang ni Avery sa pagtingin tingin sa paligid hindi niya ako napapansin na sumusunod sa kanya. Hanggang sa narating niya ang pinakamagandang parti nang farm na