Chapter 6

1009 Words
“Mommy can you cook my favorite spaghetti?”tanong nang aking baby na si Chelly.” Sure baby”sagot ko sa kanya at pinanggigilan ko ang kanyang pisngi. Walang trabaho ngayon si Avery. Pagkatapos nang pagkikita nila nang ama ni Chelly hindi na muling nag krus ang landas nila. Mayron pa siyang dalawang linggong pahinga bago magsimula ang project sa resort na pag aari ni Charles ang ama nang kanyang anak na si Chelly. Simula nang makita ko ang ama ni Chelly hindi na eto mawala sa isip ko. Tuwing tinitigan ko si Chelly nakikita ko ang mukha nang ama niya. Hindi ko akalain na ang estranghero na pinagkalooban ko nang sarili ko 5 years ago ay isang bilyonaryo at babaero. Simula nang malaman ko kung ano ang pangalan niya nag search ako tungkol sa kanya. Sa mga nabasa ko tungkol sa kanya nakakaramdam ako nang inis. Parang ayaw ko na lang na makilala pa siya ni Chelly. Iba’t ibang babae ang nauugnay sa kanya. Siguro pagkatapos nang gabing iyon balewala lang iyon sa kanya. “babaero” bulong ko. “what mommy?”tanong ni Chelly. Napalakas pala ang bulong ko. Samantalang ako walang araw na hindi ko naisip ang nakaraan. May mga gabi na nanaginip ako nang mga sandalıng iyon. Nakakaramdam ako nang init nang katawan tuwing maalala ko ang mga haplos niya. Siguro siya pagkatapos nang gabing iyon kung sino-sinong babae ang kasama. tsk tsk. Naisip ko pa lang naiinis na ako. Sa US noon maraming nanligaw sa akin pero kahit isa wala akong naging boyfriend. Mas priority ko ang anak kung si Chelly noon. Takot akong pumasok sa isang relasyon lalo na at may anak ako. Mas pinili ko na lang na magtrabaho at alagaan ang anak ko kaysa sa mag boyfriend nang walang katiyakan kung matatanggap nila ang anak ko. “Mommy is tita Romera coming?” tanong ni Chelly.Sa lalim nang iniisip ko nagulat pa ako nang magsalita si Chelly. “Yes baby”sagot ko. Romera is my gay besfriend. Rome sa umaga Romera sa gabi. Natawa ako sa naisip ko. İsa si Rome sa mga nakakaalam sa mga nangyari sa akin noon. Paano kaya pag nalaman ni Charles na may anak kami? Kukunin niya kaya si Chelly sa akin? Simula nang makita ko siya yan na ang paulit ulit kung tanong sa isip ko. Kaya hangga’t maari ayaw kung dalhin sa labas si Chelly. Natatakot ako na magkita silang mag ama. Hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang anak ko. Kung kailangn kung bumalik sa US para hindi sila magkita gagawin ko. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko na nagkita kami nang ama ni Chelly. Hindi na muli nag tanong ang mga magulang ko kung sino ang ama ni Chelly nang sabihin ko sa kanila na hindi ko kilala ang lalakeng nakaniig ko. Dahil sa proyektong gagawin ko alam kung magkikita kaming dalawa dahil siya na ngayon ang boss ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Inihanda ko na ang sarili ko sa muli naming pagkikita hindi ako magpapatalo sa kanya. Kung kailangan gamitin ang ganda ko gagawin ko.Napahalakhak ako sa naisip ko. “Mommy why are you laughing? What’s funny?” Nanglalaki ang mata ni Chelly na nakatingin sa akin. Simula nang makita ko si Charles kung ano ano na ang nanaisip ko. “Mom pakıbantayan po muna si Chelly hintayin ko lang sa labas ang pagdating ni Rome”sambit ko. Kakauwi lang ni Rome kahapon galing US doon din siya naninirahan. Umuwi lang siya nang Pilipinas para magbakasyon. Habang naghihintay ako kay Rome sa labas laman pa rin nang isip ko si Charles. Kakaiba ang t***k nang puso ko pag naalala ko siya. Napatingin ako sa magarang sasakyan na nasa kabilang kalye hindi ko naman makita kung may tao sa loob. “Ang yaman siguro nang may ari nang sasakyan na yan sa itsura pa lang nang sasakyan mukhang mamahalin na” bulong ko. Ilang sandalı pa dumating na din si Rome. Yumakap agad ako sa kanya at ganon din siya, humalik pa siya sa pisngi ko. Kung titingnan mo si Rome lalakeng lalake siya. Pero dahil best friend ko siya alam kung lalake din ang hanap niya. “Miss you best friend”sambit niya sabay kapit sa baywang ko. “May mahalaga akong sasbihin sayo tungkol sa ama ni Chelly best friend” sambit ko. Silang dalawa ni Isabel ang matalik kung kaibigan at karamay ko noong mga panahon na hirap ako sa pagbubuntis kay Chelly. Tumili si Rome nang ipakita ko sa kanya ang picture ni Charles na nakita ko sa online.”OMG bff si Charles Anderson ang ama ni Chelly?” Nanglalaki ang mata nito. Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko baka marinig siya ni Chelly at ni mommy at daddy. “Crush ko pa naman siya bff, mukhang magkakaribal pa tayo” sabi niya na may paningning nang mata. Minsan mas babaeng babae pa so Rome sa akin sa mga pinag gagawa niya. “Alam mo bang simula nang makita ko yan si Charles sa bar lagi na akong nagpupunta doon pero dedma niya ang beauty ko”mahabang sabi ni Rome. “Kaya pala ang ganda ganda nang inaanak ko may pinagmanahan pala”sabi niya at tumawa nang malakas. Pinangdilatan ko siya nang mata.”Maganda naman ako kaya maganda din si Chelly sa akin siya nagmana” sambit ko. “Sus bff maganda ka pero maganda ako sayo” sabi ni Rome na may pairap nang mata. Sabay kaming tumawa nang tumawa. Marami pa kaming napagusapan ni Rome bago kami bulabogin ni Chelly. Malapit na malapit si Chelly kay Rome minsan tinatawag niya pa etong daddy. Minsan natatawa ako kay Rome ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang daddy ni Chelly mas bit niya na tawaging mommy. Lumaki si Chelly na nakikita at nakakasama si Rome kaya malapit na malapit sila sa isat isa. Ano kaya ang magiging reaction ni Charles pag nalaman niyang mayron na siyang 5 taong gulang na anak……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD