Hawak-hawak ni Charles ang kamay ko habang papunta kami sa hospital kung nasaan si Chelly. Ang driver niya ang nagmamaneho ngayon. Sa sobrang pag-aalala ko kay Chelly kanina hindi ko namalayan na nasa loob na kami nang sasakyan at nasa tabi ko si Charles. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan makikilala ni Charles ang anak namin. Alam kung nagugulohan si Charles sa nangyayari ngayon nang biglaan kung sabihin sa kanya na nasa hospital ang baby namin. “Sweetie, are you okay?” sambit ni Charles at kinabig ako palapit sa kanya. “Oo” sambit ko at ngumiti ako kay Charles. Medyo kumalma na ako ngayon. Nakikita ko sa mata ni Charles ang pag-aalala kaya damang dama ko ang presensiya niya ngayon. Noong mga panahon na sa America pa kami Chelly tuwing magkakasakit s’ya ako lang mag-isa at wala a