#MOD 13

1784 Words
#MyObsessedDoctor ___________ Pinagtitinginan naman ako ng mga estyudante habang papasok ako sa paaralan. Napakunot noo ako, ano bang problema nila? Gusto rin ba nila matamaan? Bwisit. Bigla ko naman nakasalubungan si Gina. "What the hell..." Aniya nito habang nakatingin sa likod ko. Tumingin naman ito sa akin. "What?" Naiiritang ani ko. "Anong meron at nakasunglasses ka?" Tanong nito habang sinusuri ako. "At.. Bakit may mga kasama kang bodyguards?" Naguguluhan tanong niya. Napairap nalang ako. Tama siya, nakasalamin ako ngayon para hindi halata ang mata ko na mugtong mugto na sa kaiiyak ko kagabi. "Hayaan mo sila..." Malamig na ani ko sakanya. Tinutukoy ko ang lima kong bodyguards na mukhang asong sunod ng sunod sa akin. Kaiirita. Sumunod naman sa lakad ko si Gina at sinuri pa ako. Kanina pa to ah. Kukutusan ko na to. "Are you grounded? I think you are eh, ngayon lang kita nakitang may kasamang bantay." Giit nito at lumingon sa likod namin. Lumapit ito sa akin at bumulong. "But you can escape naman diba?" Aniya habang nakangisi. Umiling naman ako. Kahit tumakas pa ako, may magsusumbong sakanila kay Daddy at goodbye money. Damn. Nakarating kami ni Gina sa room. Pinauna ko na ang kaibigan ko bago ko hinarap ang mga bodyshits ko. "Ano pa tinatayo niyo dyan? Lumayas na kayo! Wag niyong pang sabihin na pati sa loob babantayin niyo pa ako?" Mataray na bulyaw ko. Napabuntong naman ang isa sakanila at tumango. "Opo ma'am, sa labas lang po kami." Ani nung isa at lumayas na. Naparoll eyes nalang ako at napabuntong hininga. This is the worst day I have, at sa tingin ko hanggang anim pa na buwan ang titiisin ko. __________ "Ayos ka lang talaga Kee?" Tumabi sa akin si Lana sa upuan at inusisa ako. Niligpit ko naman ang mga gamit ko pagkatapos ng klase. "I'm okay." Malamig na ani ko. May umakbay naman sa akin. "Siguro grounded ka nuh?" Napatigil ako at tumingin kay Teres. "How did you know?" Tanong ko sakanya. "Omy! Is that true Kee?!" Reak ni Gina at Lana ng marinig nila ang tanong ni Teres. "Yeah." Pag amin ko sakanila at napapabuntong hiningang napaupo sa silya. "Why?! Ano ba ginawa mo?" Gina. "Atsaka absent ka kahapon! Why din?" Lana. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Teres at nagsalita. "Bakit siya lang ang tinatanong niyo? Ako rin naman ah! Absent ako kahapon." Nakangusong giit ni Teres sakanila. Tumingin ng sabay ang dalawa kong kaibigan kay Teres. "Sanay na kami na madalas kang umabsent!" Lana. "At sanay rin kami na walang pakialam sayo!" Ani ni Gina. "Aba't ang saki—" "Joke!" Atsaka nagtawanan ang dalawa kong baliw na kaibigan. Napangiti naman ako at napapailing. Mga baliw talaga. "Sige ganyan lang kayo! Pagtripan niyo na ako! Sanay naman akong pinaglalaruan ng mga babae eh." Nangluluksang giit ni Teres. Bigla naman ako natawa sa saad nito. "The f**k? Kelan ka pa pinaglaruan ng mga babae? Eh parang ikaw nga itong nagpapaiyak sakanila eh." Giit ko at napapailing. "Wag mo naman ako ilalaglag Kee!" Ani nito. Umiling naman ako at ngumisi. "Babaliktaran mo pa ah!" Sabi ni Gina at kinurot sa pisnge si Teres. "Oo nga! Tayo pa ang sasamain niya!" Ani naman ni Lana at sinabunutan si Teres. Napailing naman ako na natatawa sa nakikita ko ngayon. Pinagkakaisahan nila si Teres sa ngayon ay humihingi ng tulong saakin. "Tulong Kee! Nirarape na ako ng dalawa—ack!" Bigla naman nito sinakal ni Lana. "Anong rape ang sinasabi mong unggoy ka?! Asa naman uy!" Ani ni Lana habang sinasakal niya si Teres. "Palibhasa babaero!" Giit naman ni Gina at mas kinurot pa ang mga pisnge ni Teres. Poor Teres. "Tulong Kee! P-Pigilan mo sila! V-Virgin pa akooooo—aray!" Umiling nalang ako at kinuha ang bag ko. "Anong virgin?! Uloooool!" Gina. "Bahala na nga kayo dyan." Sabi ko sakanila at lumayas na sa room na iyon. "Kee!!! Wag mo ako iwan ditoooo!" Rinig ko pang sigaw ni Teres. Natatawa nalang ako habang patungo sa labas. "Kee!" Natigilan ako ng patakbong tumungo sa harap ko si Talius. "A-Ayos ka na ngayon Kee?" Tanong niya at pinagmasdan ako. "Umiyak ka ba kagabi? Hindi kita matawagan kagabi eh." Umiwas naman ako ng tingin. "Uuwi na ako." Paalam ko at aalis sana ng hinawakan niya braso ko. "Please Kee, Kagabi pa ako hindi napapakali, I want to know kung ayos ka lang ba o hindi?" Bakas nga rito sakanya ang pag aalala at pang iitim ng mata niya. Tinanggal ko naman ang salamin ko at pinakita sakanya na hindi ako maayos. "I am not okay. I am six months grounded with no gadgets and anything with five bodyguards." Sabi ko at napayuko. "Now, I gotta go." Ani ko nang masagot ko na ang mga tanong niya pero bago pa ako makaalis ay niyakap niya agad ako. "What can I do for you to be okay?" Bulong nito sa tenga ko. Umiling naman ako at hinawakan ang kamay niya tsaka tinggal ang pagkakayakap niya sa akin. "Makita lang kita ng maayos, okay na ako." Ngumiti ako ng tipid sakanya at hinawakan ang pisnge niya. "Siguro hindi naman ako pagbabawalan ni Daddy na pumunta sainyo diba?" Tanong ko. May balak kasi akong pumunta sa kanila kung wala naman ako ginagawa sa bahay. "Oo naman! Pipilitin ko si Tito na pumunta ka sa amin!" Aniya habang nakangiti saakin. "Mamaya, pupunta ako sainyo." Mas lalong lumawak ang ngiti niya at hinawakan ang kamay ko. "Gusto mo sabay na tayo umuwi?" Napailing naman ako at napatingin sa labas. Andun yung mga bodyshits ko. "May sundo ako eh." Malungkot na giit ko. Nawala naman ang ngiti nito at napabuntong hininga.  "Don't worry babe, andito lang ako." Aniya at hinalikan ako sa noo. "Halika, sabay na tayo lumabas." Tumango naman ako at hinawakan niya ako sa kamay. "I love you Kee.." Napatingin ako sakanya at hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. "Soon Talius, I can say that too" Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti lang siya sa akin. Alam kong paasa ang ginagawa kong ito sakanya pero ako na mismo nagsasabi na may tiwala ako sa sarili ko, na matutunan ko rin mahalin siya. Siguro hindi talaga sa ngayon pero gigising nalang ako na may nararamdaman na pala ako kay Talius. At paninindigan ko iyon. Magkahawak kamay kami ni Talius habang naglalakad papalabas sa school pero napatigil kami ng magkasalubungan kami nila Gabriel kasama ang kasintahan nito. "Gabriel? Shasa? Uuwi rin kayo?" Naunang nagtanong si Talius. Umiling naman si Gabriel. "Hindi, We go to library first." Aniya habang di makatingin sa akin. "Uuwi na kayo Talius? It's too early." Singit naman ni Shasa. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "I saw your brother." "So?" Napaiwas naman si Shasa sa sagot ko at tinaasan ako ng kilay ni Gabriel. "Mauna na kami Talius." Paalam niya at tumingin sa akin bago nila kami talikuran. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paghawak niya ng kamay kay Shasa habang papalayo sila. "Let's go babe." Hinawakan ako sa kamay ni Talius pero nanatili ang mata ko kila Gabriel at Shasa. "Kelan pa naging sila?" Tanong ko kay Talius. Napatigil ito at napakunot noo. "The day when you kissed me." Sagot niya. Napatingin ako sa kawalan. "What day?" "Nung birthday party ni Kenn." Aniya at hinarap ako. "Why?" Bigla ako natauhan at napatingin sakanya. "Wala, napansin ko lang kasi na gaya rin tayo sakanila, sweet." Sagot ko. Gusto ko untugin ang ulo ko sa naging rason ko. What a f*****g lame reason. Tumango lang si Talius at ngumiti. "We are more than sweeter baby." Aniya at hinalikan sa pisnge. Tinampal ko naman siya sa mukha nito na natatawa. "Sumasang ayon ako." Tagalog ko at malakas na natawa. Kinurot naman niya ako sa pisnge. "Crazy, but I love you." Napapailing na aniya at inakbayan ako. __________ Gaya ng sabi ni Daddy, nakarating ako sa bahay bago pa makapang alasingko. "I thought you will break the rules." Ani ni Kuya Rain pagkarating ko. Nakaupo ito sa sofa habang may hawak na libro at nakasout ng reading glasses. "If I do not follow? Will you give me a money?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa akin. Bumuntong hininga ito at sinarado ang librong binabasa niya. "Aderal, you must understand why Dad is doing this to you, atsaka this is for your own sake lalo na sa future mo." Napapikit naman ako at huminga ng malalim sa pangangaral ni Kuya Rain sa akin. "My own sake? Nakasalalay ba rito ang pagiging grounded ko sa kinabukasan ko?" Sarkastikong tanong ko kay Kuya Rain. Napailing naman si Kuya at tinanggal nito ang reading glass niya. "So ano ba ang gusto mong mangyare sa buhay mo Aderal?" Napakurap naman ako. "G-Gusto kong maging Doctor.." "That's it! You want to be a Doctor? So umayos ka, Hindi rin nakasalalay ang pagiging matigas ang ulo mo sa pangarap mo. If you want to be a successful Doctor then study hard! Wala naman pumipigil sayo Aderal eh. Ikaw lang naman ang gumagawa ng ikinasisira ng buhay mo. Ikaw lang pumipigil." Natahimik naman ako sa sinabi ni Kuya. "Masaya lang ako sa ginagawa ko Kuya.." Napakunot noo naman si Kuya Rain. "Kailan pa naging masaya ang pananakit sa ibang tao ah? Aderal?" Bigla ako napatingin sa kanya. "Hindi ako nananakit ng tao Kuya!" "So anong tawag mo dun sa pakikipag away mo?" Natahimik ulit ako. "Kung alam sana to ni Daddy na ito kahihitnan ng pag eensayo mo sa martial arts. Sana hindi ka nalang pinayagan turuan pagdating sa self-defense." Aniya. "Hindi naman sa araw araw nanakit ako ng ibang tao..." Depensa ko. Napahilot naman si Kuya Rain at mataman ako tinitigan. "Kung hindi, ano klaseng gawain yan sinasabi mong dyan ka masaya? Ano ba ang masaya sa ginagawa mo ah?" Kuya Rain. "Masaya ako kasi pakiramdam ko malaya ako sa ginagawa ko! Pakiramdam ko wala naman kayo pakialam sa akin kaya nagagawa ko ang gusto ko!" Bigla nalang ako nainis at aakmang aalis na ako ng magsalita muli si Kuya Rain. "Kailan ka pa naging bantay sarado Aderal? Diba ngayon lang? Tapos sasabihin mong malaya ka sa ginagawa mo?" Napailing ito at tumingin sa akin ng hindi makapaniwala. "Atsaka walang pakialam sayo? Kung wala kaming pakialam sayo sa tingin mo ba hahayaan ka ni Daddy na magkakaganyan ka? Kaya ka nga grounded ngayon kasi gusto ka niya madesiplinahan! Because he doesn't wants you to be miserable! Tapos ikaw lang naman gumagawa ng mali dahilan para maging miserable ang buhay mo." Hindi ko namalayan ay tumutulo na pala ang mga luha ko. "You cursed, but we let you even though it's a bad thing to say. But this time? Hindi ka namin hahayaan maging ganyan ka. Because we love you so much, but I am so disappointed because I have noticed that you are just think of yourself,only your own self." Napamaang ako at napatingin sakanya. "K-Kuya.." Lalapitan ko sana siya ng umiling ito at tinalikuran ako. "Fix yourself first Aderal Kee..." Aniya at lumabas ng bahay. Napatungo ako sa kawalan at napatakbo sa kwarto. Doon ko lang napagtanto ang mga sinabi ni Kuya Rain sa akin. Nainiis ako ng lubusan sa sarili ko. Dahil tama siya, sarili ko lang iniisip ko. Ni hindi ko sila inintindi! Sariling kasiyahan ang iniisip ko kaya't nagagalit ako sakanila. I am being selfish. s**t. I realized how b***h I am. _________ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD