#MOD 10

1936 Words
#MyObsessedDoctor ___________ Naisipan namin ni Talius na umuwi nalang sa halip na mag overnight. Panigurado kasi na mas mag aalala sila Mommy kung magoovernight pa kami. "So Kee? Maaulit pa ba ito?" Bago ko buksan ang pintuan ng kotse ay lumingon ako sakanya. "If I have a time Talius." Nakangising ani ko sabay halik sakanyang pisnge. Natulala siya ng sandali at ngumiti saakin. "Okay, Hihintayin ko iyang time na yan." Hinawakan niya kamay ko at hinalikan. "Good night Kee, I love you" Ngiti lang ang naisagot ko at lumabas na mula sa kotse niya. I know na hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon pero ayoko siyang umasa sakin. Pero ano ba itong ginagawa ko? Para saan ba kung sinagot ko siya at hindi ko naman siya mahal? Napapakagat labi lang ako habang tumutungo sa bahay namin. Hindi pa patay ang ilaw sa sala so ibig sabihin ay gising pa sila. "Aalis ka na hindi nagpapaalam kila Daddy." Agad na bungad sa akin ni Kuya Rain pagkapasok ko. May hawak itong kape habang nakasandal ito habang si Lee naman ay nakangising asong naglalaro sa phone nito. "Where have you been ba Kee?" Tanong naman saakin ni Lee habang ang mga mata nito ay sa cellphone nito. "Hindi ba sinabi sainyo ni Mommy? Daddy?" Mataray na tanong ko sakanila at tumungo sa refrigerator para uminom ng tubig. "Tulog na sila Mommy, and why your hair is wet? Naligo ba kayo? And who are you with?" Napahilot nalang ako sa sintinido ko habang nagsasalin ng tubig. Sinundan pa talaga ako ni Kuya Rain dito sa kusina. "I am f*****g with Talius, at kung nag aalala kayo sa akin. Don't worry kasama ko naman si Talius." Sabi ko sabay lagok ng tubig. "What?!" Bigla ko narinig ang boses ni Lee sa sala at kumiripas ng takbo patungo sa akin. "Kasama mo si Talius?! Akala ko ba may galit ka roon?" Nagtatakang aniya. Umiling ako at binaba ang baso na hawak ko. "Bati na kami." "At nabalitaan ko pa talaga na hindi ka pumasok kanina?" Singit naman ni Kuya Rain. Saan naman niya nabalitaan? "Sino naman nagsabi sayo niyan?" Kunot noong tanong ko. Malilintikan talaga saakin kung sino nagsumbong kay Kuya! "Hindi na importante kung sino Kee! I thought magbabago ka na this time?! I heard pa na you are not studying!" Bigla naman ako napabuga. "Ano ba naman kuya! Porket hindi na ako pumasok kanina parang isang daang araw na hindi na ako pumapasok! Gosh! I am still highschool kuya! Ineenjoy ko muna ang pagkakataong ito!" Naiinis na sabi ko sakanya. "Enjoy? Oo nga't nageenjoy kana bunso but the hell! Hindi iyang ibig sabihin ko! Mag aral ka naman mabuti kasi medicine ang kukunin mo! Akala mo ba madali lang ba? No! Kailangan mo pa makapasa sa mga schools na nababagay sayo!" Umiling nalang ako sa mga sermon ni kuya at hindi ko na pinakinggan ang iba. "Look at your twin! Nag aaral ng mabuti si Lee samantala ikaw? -" Blah blah blah! Whatsoever! Hindi naman ako si Lee. Ako to si Kee at kailan man ay hindi ako magiging si Lee. Gosh! Mukhang magagaya ko pa ang line ni Daniel Padilla. Tsk. "Good night!" Bago pa ako masundan ni Kuya ay tumakbo na ako sa kwarto ko at nilock ko agad. Bigla ako natawa. Oh well, Lagi naman ganyan si kuya pero hindi ko lang sineseryoso. Ginagawa lang niyan kasi mahal niya kami ni Lee at protective lang ang lolo niyo. Bigla nagring ang phone ko at nabasa ko ang pangalan ni Talius. Sinagot ko agad ito habang binubuksan ko ang terrace ko. "Hello?" ["Babe!"] Pagkabukas ko ng Terrace ko ay nakita ko si Gabriel na nakatutok sa laptop nito na mukhang nag aaral. ["Nagalit ba sayo sila Tita?"] "Hindi. Pero ang mga kuya ko lang sinermunan lang ako" Sabi ko habang pinagmamasdan si Gabriel. ["Im sorry, Dapat ipinagpaalam sana kita ng maayos sakanila"] Malungkot na tuno niya. "Hindi. Ayos lang, Sadyang concern lang sila Kuya Rain." Pagpapagaan ko sakaniya. Bigla tumingin sa direksyon ko si Gabriel at nagtama ang tinginan namin. ["I understand. Anyways, I love you"] Malambing na ani ni Talius. Hindi ako makapagsalita dahil magkatitigan kami ni Gabriel. ["Kee? Andyan ka pa?"] Bigla yumuko si Gabriel at mukhang may pinunit siya na papel at sumulat roon. ["Kee..."] "Yes yes! Medyo inaantok na ako babe. Im sorry" Sabi ko at nakita kong itinaas ni Gabriel ang papel nito at may nakasulat roon. 'Staring is rude' Bigla naman ako natawa. Ngumisi ako sakanya at nagkibit balikat. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago itong si Gabriel. And that's why I like him. Gustong gusto ko siya. Pero hindi pwede. ["I think you're dreaming. You're lauhing siguro may kausap ka or napapaniginipan mo ako"] Narinig ko sa kabilang linya na natatawa si Talius. ["Okay Babe. I think tinulugan mo na ako, Good night, I love you. Dream of me"] Hindi na ako nagsalita pa ay narinig ko na ang pagpatay niya ng tawag. Ibinalik ko ang tingin ko kay Gabriel na nakatutok nanaman sa laptop nito. Siguro kung hindi ko sinagot si Talius baka may posibilidad na maging kami ni Gabriel. Pero hindi. May girlfriend na iyong tao. Pero diba gusto ko siya? Pwede ko siyang agawin mula sa girlfriend niya. Pero huli na. Andyan na si Talius sa tabi ko. Pero bakit wala pa rin? Or siguro hindi lang ako makapaghintay? Or siguro mga bata pa kami? Na wala pang ideya sa mga ganitong paraan? I like his brother. Pipilitin ko na kalimutan ko ang kapatid niya. _____ Kinabukasan, Hindi ko inaasahan na makita si Talius sa baba na mukhang naghihintay sa akin. Ang mas malala pa ay kausap nito ang mga magulang ko! Agad ako bumaba at napakunot noong tinitigan si Talius. "Ow! Good morning Anak!" Bati sa akin ni Mommy at hinalikan sa pisnge. "Good morning Mom" Bati ko sakanya. Tumingin ako sa direksyon ni Talius na malaki ang ngiti. "What is he doing here?" Nanliliit kong mata kay Talius. Naramdaman kong tinakip ako ni Dad sa balikat. "Nagpalaam lang siya sa amin ni Mommy mo ang tungkol sa kahapon. Mas gusto niya daw kasi sa personal para maayos ang pagpapaalam niya at humingi ng tawad dahil gabi ka na umuwi." Sabi ni Papa. Tumikhim naman si Kuya rain kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Talius.." Tumingin naman si Talius kay Kuya Rain. Lahat kami naghihintay ng salita ni Kuya. "You shouldn't do this. Aderal Kee should be." Seryosong ani ni Kuya. Naparoll eyes naman ako. Sa sobrang inis ko ay umamin na ako. Hindi kasi matahimik ang maging kong Kuya. Letse. "Fine! Para ikatatahimik ni Kuya! Im sorry mom and dad! Dahil sa hindi pagpapaalam sainyo ng personal lalong lalo na na hindi daw ako pumasok! Okay na?" Sabay tingin ko kay Kuya. Sinamaan lang niya ako ng tingin. "What the hell is time na? I'm f*****g starving na guys! Let's eat na!" Umalingawngaw naman sa sala ang sigaw ni Lee. Napairap nalang ako at nagmartsa patungo sa kusina. "Lee! Your mouth!" Rinig kong singhal ni Mommy.  "And you Aderal Kee! Next time na hindi ka pa pumasok, ipapalipat kita ng ibang school! Understand?!" Hindi na ako sumagot sa halip ay padabog akong umalis. Bahala sila. ________ "Kee! Hintay!" Hindi ko siya nilingon sa halip ay mas pinabilis ko ang paglakad ko. "Kee naman! Im sorry kung galit ka sa pagpunta ko sa bahay niyo!" Hinanakit na ani niya. Napatingin ako sa paligid at nagpapasalamat ako na karamihan ay busy sa ginagawa. Lumiko ako patungo hallway kung saan matatagpuan ko na ang mga lockers. Pero bigla may humila sa kamay ko. Darn! "What the f**k do you need Talius?" Madidiin na tanong ko. Nagulat siya sa pagmumura ko kaya't lumungkot ang mga mata nito. "Kung alam ko sana na ganun ang mangyayari sainyo ng kuya mo. Sana hindi nalang ako pumunta sa bahay niyo." Malungkot na sabi niya. Umirap lang ako. "Okay, tapos na 'yun Talius. Tapos na. Kaya pwede ba? Paalisin mo na ako?" Naiirita na kasi ako eh. "No. Galit ka pa eh." "Hindi ako galit. Naiinis lang." "So ano dapat kong gawin?" Tanong niya. "Umalis. Hayaan mo ako mapag isa pwede?" Nagulat siya sa sinabi ko kaya't malungkot siya napatango tango. "Hihintayin ko nalang tawag mo Kee.." Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako. Naparoll eyes nalang ako. Hindi dapat kay Talius ang inis ko eh. Sadyang naibuhos ko lahat ng inis ko sa kanya. Lumiko agad ako pero sa pagliko ko ay nakita ko si Gabriel na nakatayo sa tabi. Hindi ko sana siya papansinin ngunit may sinabi siya na dahilan para mapakunot noo ako. "Do you really love my brother Aderal?" Tumigil ako mula sa paglalakad at hinarap siya. Ano bang klaseng tanong yan? "Sino ka para kwestyunan ako? Hindi ba't asikasuhin mo muna iyang relasyon niyo ni Shasa bago ka mangialam sa relasyon namin?" Malamig na sabi ko sakanya. Hindi siya nakipagtalo ay tinitigan niya ako. "Kapatid ko ang karelasyon mo. Kaya't may karapatan ako para kwestyunan ka Aderal." Bigla ako napayukom sa inis. "Sa pagkakaalam ko, ayaw mo sa kambal ko. Paano ba naging kayo Aderal? Ginamit mo lang ba siya o may kailangan lang? Ang bilis mo naman magustuhan ang kambal ko ah." Sa ngayon ay nakangisi na siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. "Gusto mo ba malaman Gabriel?" Sa ngayon ay tinitigan ko na siya. Binabalutan ng lamig ang emosyon ko. "Na mahal mo ang kapatid ko o hindi? Oo gusto kong malaman." Seryoso na ang mga mukha nito. Bigla nagring yung school senyales na time na. Ngunit hindi namin pinansin at mas gusto ko tapusin to. Sa ngayon kami nalang dalawa ang natitira. "Hindi ko mahal ang kambal mo." Malamig na sabi ko sakanya. Natigilan siya at mukhang magagalit na ito. Pero bago siya makapagsalita. Gusto ko na sabihin sakanya ang nararamdaman ko para matapos na to! "Dahil ikaw ang gusto ko Gabriel. Ikaw ang gusto ko. Gustong gusto. Naiintindihan mo ba? Ikaw ang gusto ko." Hindi ko mapigilan ang kumagat sa ibabang labi habang paunti unti kong nakikita ang pagmaang ng bibig niya. "Aderal..." Hindi siya makapaniwalang mapatitig sa akin at unti unti itong kumukunot noo. "Sa totoo lang, Noong naging kayo ni Shasa. Labis ang pagseselos ang nararamdaman ko noon sainyo pero nariyan naman si Talius diba? Siguro matutunan ko rin siya mahalin kaya't naging kami. Pero hindi ko alam kung bakit ikaw pa nagustuhan ko Gabriel. Ayaw ko sayo sa totoo since bata pa tayo. Sainyo ni Talius, Ayaw ko sainyong dalawa. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyayare saakin. Nagising nalang ako na may gusto na pala ako sayo." Mahabang eksplenasyon ko. Tumingin ako sa mukha niya. Alam ko na hindi siya matutuwa kasi may girlfriend siya. Pero bahala na. "Gabriel.." Hinawakan ko ang mukha niya. "Please, be with me, Break up with your girlfriend and same with me. Makikipaghiwalay ako kay Talius." Hindi siya nakapagsalita. Sa halip ay tinignan niya ako ng malamig at walang emosyon. Nagulat nalang ako ng tinabig niya ang kamay ko at tinulak. "Mahal ko ang girlfriend ko. I'm sorry. Kapatid lang ang tingin ko saiyo." Aniya at tinalikuran ako pagkatapos niya iyon sabihin. Pagkatapos niya iyon sabihin. Parang paunti unting lumalabas ang mga butil ng luha ko sa mga mata ko, hanggang sa magsilaglag ito. Napamaang ako sa sobrang sakit. First time to. First time ko mareject! Bigla ako natawa. Shet. Natatawa ako na naiiyak. Ang sakit pala talaga na may mahal ng iba yung gusto mo. Tangina. Ang akala mo sasama talaga sayo. s**t. Lahat ba ng bagay ayaw sa akin? Bakit? Nakakainis! Hindi ba pwedeng gusto din niya ako? Para tapos na? Now I know, Ang swerte ni Shasa na mahal siya ni Gabriel pero f**k. Bakit mukhang broken hearted ako dito? Eh diba gusto ko lang siya? GUSTO lang? This is f**k! Agad ako lumisan sa hallway na yun. Gusto ko magpakalasing. Gustong gusto! Wala na akong pakialam pa kung may makakita pa sa akin na hindi nanaman ako pumasok. f**k I care. Gusto ko lang matanggal ang rejection na nararamdaman ko ngayon. f**k. I hate you Gabriel. __________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD