Chapter 1

1116 Words
" Bata bakit ka umiiyak?" Wika ng isang batang lalaki sa isang batang babaeng umiiyak sa sulok. Tumingala ang bata at tiningnan sya nito. 'Ang ganda nya' "Wala kasing gusto makipag-laro sakin" Wika ng batang babae, at muling yumuko. Nag-taka naman ang batang lalaki sa tinuran nito dahil sino ba naman ang ayaw makipag-laro sa batang ito dahil mukha naman itong mabait. "Gusto mo ba makipag-laro sakin?" Tanong nito. Muling tumingala ang batang babae. Ngumiti ito at tumango. "Pero sigurado ka ba na gusto mo makipaglaro sakin?" Tumingin ang batang lalaki at tumango. "Oo naman mukhang masaya ka naman kalaro" Wika nito at iniabot ang kamay nya sa batang babae. "Ako nga pala si Christian, doon ako nakatira sa bahay ng Lola ko pitong taong gulang na daw ako sabi ni Mama" Iniabot ng batang babae ang kamay ni Christian at ngumiti. "Ako si Jehnny, hindi ko alam kung ilan taon na ako at kung saan ako nakatira" Muling nag-taka si Christian sa tinuran ni Jehnny. "Bakit nawawala ka ba?" Wika ni Christian. Umiling naman si Jehnny. "Hindi ko alam eh, wala akong maalala" Turan ni Jehnny at lumungkot ang mukha nito. "Ganun ba?" Tumango si Jehnny bilang sagot at yumuko. Nag-isip naman si Christian ng paraan ngunit isang paraan lamang ang tangi nyang naisip upang hindi na ito malungkot pa. "Wag ka mag alala, isasama kita sa bahay mamaya para matulungan tayo nila Mama, sa ngayon para Hindi ka na malungkot laro muna tayo" napatayo si Jehnny ng hilain sya ni Christian at yayain mag laro. Sobrang saya ang naramdaman ni Jehnny dahil sa wakas ay may isang bata ang ninais na makipag-laro sa kanya. Ngunit hindi nya maiwasang mag alala dahil sa iba pang bata ang nakatingin sa kanila. " Bakit naglalaro sya mag isa?" rinig na wika ng isang bata habang nakatingin sa kanila. " Siguro baliw na sya" Gatong ng isa pang bata. " Sabi ni Mommy wag daw akong makipag-laro sa kanya kasi may sira daw sya sa utak" rinig na wika pa ng isang bata. Tumigil sa pagtakbo si Jehnny kaya naman napatigil rin sa pagtakbo si Christian. " Bakit Jehnny pagod ka na ba? Gusto mag laro na lang tayo ng ibang laro?" Tanong nito sa batang babae. Umiling lamang si Jehnny at malungkot na tiningnan si Christian. " Hindi ka dapat nakikipaglaro sa akin" Malungkot na turan ni Jehnny. " Ayaw mo ba akong kalaro?" Tiningnan laman sya ng batang babae at lumingon sa direksiyon ng mga batang nakatingin sa kanila. " Gusto mo ba na marami tayong kalaro?" Lumingon si Christian sa mga ibang pang bata at kumaway dito. "Hoy! Tara laro tayo may bagong akong kaibigan" Sigaw ni Christian , umiling lamang ang mga bata at tumakbo palayo. "Mukhang tinatawag na sila ng mga mama nila kaya umuwi na sila" Muling humarap si Christian kay Jehnny at ngumiti. "Tayo na lang muna ang maglaro" Napansin ni Christian na malungkot si Jehnny at hindi nagsasalita. "Wag ka mag alala, nandito pa naman ako para maging kalaro mo" Wika nito. napa bugtong hininga na lamang si Jehnny at tiningnan ito sa mata. " Wag ka sana matatakot pag nalaman mo kung sino talaga ako" Wika ni Jehnny, nalilito naman si Christian sa winika nito. "Ano ba yung pinagsasasabi mo? Akala ko ba hindi mo naaalala kung sino ka?" Napailing na lamang si Jehnny at muling hinawakan ang kamay nito. "Malalaman mo din sa takdang panahon, tara laro na ulit tayo" Wika ni Jehnny at hinila muli si Christian. Muli silang naghabulan sa isang malawak na damuhan. Masaya silang nag lalaro na tila ba na kanila ang buong mundo. Nais sana ni Jehnny hindi na matapos ang mga oras na yun dahil sa oras na malaman ni Christian kung sino talaga sya ay matakot ito at hindi na muling makipag laro sa kanya. " Jehnny tingnan mo 'to" Sigaw ni Christian. Agad namang lumapit si Jehnny at umupo tulad sa pag upo ni Christian. " Bulaklak?" Tanong ni Jehnny. Tumango si Christian at pinitas ang bulaklak. "Sabi ng Lola ko isa daw yang ligaw na bulaklak, kung saan-saan tumutubo, wala syang amoy ngunit ubod ng ganda, tulad mo" Wika ni Christian at inilagay ang bulaklak sa likod ng tenga ni Jehnny. Namula naman si Jehnny dahil sa hiya at pilit na tinitingnan ang pagkakabit ni Christian ng bulaklak sa kanya. Nang matapos ng ilagay ni Christian ang bulaklak humarap ito kay Jehnny at ngumiti. "Ang bata-bata pa natin bolero ka na" Nahihiyang wika ni Jehnny at ngumiti kay Christian. "Turo ni papa sakin yun, ganyan nya kasi lagi pinapakilig si Mama tapos nagki-kiss sila" kamot ulong sambit ni Christian. " Siguro bolero din ang Papa mo?" Tanong ni Jehnny. Tumango naman si Christian bilang tugon. " Syempre mana ako sa kanya eh, saka Mahal na Mahal ni Papa si Mama sabi pa nga nya sakin noon ang mga babae dapat minamahal at hindi sinasaktan" Masayang wika ni Christian. Na-inggit naman si Jehnny dahil mukhang masaya ang pamilya nila. Samantalang sya ay hindi na nya alam kung may pamilya pa ba sya o mga magulang. " Sobrang saya siguro ng pamilya nyo?" Napangiti ng mapait si Jehnny at napayuko. " Oo naman, kasi Mahal ni Papa si Mama, Mahal ni Mama Si Papa at Mahal nila ako, syempre mahal din namin si Lola" Muling tugon ni Christian. Muling nalungkot ang mukha ni Jehnny. 'Sana may mga magulang din ako' Tahimik lamang na nakaupo si Jehnny at gumuguhit ng mga tao sa lupa, gumuguhit sya ng isang pamilya. "Bakit malungkot ka naman huh? Jehnny? May nagawa ba akong mali?" umiling si Jehnny at ngumiti. Muli sya tumayo at nag-pagpag ng kanyang damit. " Tara laro na uli tayo" Masayang wika ni Jehnny. Tumayo si Christian at nag-pagpag din ng damit. " Tara, mag tagu-taguan naman tayo" Tumango si Jehnny at nag simula silang mag unahan sa pagtakbo sa malaking puno. " Christian! " Dinig na tawag ng INA ni Christian. Napatigil sa pagtakbo silang dalawa at napalingon sa isang babae sa hindi kalayuan. "Tawag na ako, tara isasama kita pag uwi," Wika ni Christian ngumiti lamang si Jehnny. Tumakbo palapit si Christian sa kanyang Ina at yumakap. "Mama kakain na po ba tayo," Wika ni Christian sa kanyang INA. "Oo anak ko, saan ka ba nanggaling kanina pa kita hinahanap" nag-aalalang wika ng kanyang INA. "Nakipag-laro po ako sa bago kong kaibigan si Jehnny, sabi nya nawawala daw sya at hindi nya alam pauwi" Wika ni Christian. "Na saan yung sinasabi mong kaibigan para matulungan natin syang makauwi" Tinuro ni Christian ang direksyon ni Jehnny ngunit wala sya roon sa kinatatayuan nya kanina. "Nandun sya lang po sya Mama, bakit sya nawala?" Nag-taka naman ang kanyang ina dahil wala itong nakitang umalis na bata o kasama nito. ("Baka nahanap na nya ang daan pauwi sa kanila anak" Wika ng kanyang ina. Malungkot syang lumingon sa kanya ina. "Siguro nga po Mama" Malungkot na wika no Christian. 'Hindi man lang sya nag paalam'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD