Hindi siya nakatulog kagabi. Hindi siya pinatulog ng nangyari kagabi. Hindi niya inasahan na ganoon kalaki ang makakapa niya. Napasapo siya sa mukha dahil sa mga pumapasok na naman sa isipan niya. “Huwag mo nang isipin 'yon. Dyusko! Kalimutan mo na iyon, Salome.” Mahina niyang kinakausap ang sarili na parang nahihibang. Umaga mga bandang alas 8 papunta silang kusina para sa break nila. Dumaan muna sila sa bulletin board na nakadistino sa mismong locker ng mga staff. “Night shift na tayo sa susunod na buwan. Nilipat na tayo. Magbabago na raw ang rotation simula ngayon. Isang buwan tayong day shift at isang buwan na rin sa night shift. Nagrereklamo na siguro ang night shift,”ani Evangeline habang abala sa pagtingin tingin sa listahan ng bagong schedule sa taon na iyon. Hindi niya na mas