Sa gulat ay agad siyang napatayo. Hindi nag-iisip na tinalikuran niya si Treous. Ayaw niyang maging bastos pero hindi niya lang kayang pakinggan ang tungkol sa bagay na binuksan nito. Baby maker? Magkakaroon ulit siya ng anak sa lalaking ito? Naging bangungot sa kaniya ang ginawa nito sa kaniya noon. Gabi gabi na lang siyang umiiyak sa tuwing dumadaan sa panaginip niya ang pambababoy nito sa kaniya noong gabing iyon. At kung bibigyan niya ito ng anak, parang binigay niya na rin dito si Daniel. Sino ito para hingin sa kaniya ang isang bata na parang nanghingi lang ito bagay? Hindi isang kasangkapan ang anak niya. Natigilan siya nang marahas na hawakan ng isang tauhan nito ang braso niya. “Bumalik ka sa loob,”ani tauhan nito sabay kuha ng baril sa tagiliran nito. Nanginginig ang kamay