Ramdam niya ang bigat ng kaniyang ulo nang makabangon. Maririnig ang tilaok ng manok, at mahinang pag-uusap sa labas. Nakahiga siya sa kawayang higaan. Medyo mataas na ang sikat ng araw sa labas. Nang maalala ang anak niya ay tila binuhusan siya ng isang baldeng tubig at agad na tumayo. Derederetso siyang nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at agad dumako ang tingin ni Miguel sa kaniya. May kabayo na nakatali sa puno ng mahogany. May iba pang kabayo sa unahan na tumatakbo sa malawak na espasyo na may harang. Nasaan na ba siya? Bakit napakarami niyang nakikitang kabayo sa paligid? May kaharap si Miguel na lalaking matangkad din. Napansin niyang sumunod agad si Miguel nang magsimula siyang maglakad palayo. “Salome!” Hindi niya ito pinakinggan. Mas binilisan niya pa ang mga hakbang. M