bc

My Sunshine and I (Forbidden Romance)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
BE
sweet
bxb
loser
campus
city
office/work place
musclebear
actor
like
intro-logo
Blurb

Hezekiah's own story....

We deserve to experience love fully, equally, without shame and without compromise.

Love is never wrong.

“It takes courage to grow up and become who you really are.

Where there is love, there is life.

Life is about finding yourself, embracing your strengths and weaknesses, and being true to who you are.

Gender, religion, sexuality, we are all people and that’s it. We’re all people. We’re all equal.

You never completely have your rights, one person, until you all have your rights.

There’s nothing wrong with you. There’s a lot wrong with the world you live in.

It is absolutely imperative that every human being’s freedom and human rights are respected, all over the world.

Remember what things make you special and embrace those because there are so many things that aren’t on the outside that are so important and people find so beautiful.

In all the world, there is no heart for me like yours. In all the world, there is no love for you like mine.

Love has nothing to do with what you are expecting to get only what you are expecting to give — which is everything.

I have the best someone one could dream of; I could never have imagined finding one like him. He is a true gift of heaven, and the more we live together the more we love each other.

“I love you without knowing how, or when, or from where.”

"To love and be loved is to feel the sun from both sides."

“You are the best thing, that’s ever been mine.”

chap-preview
Free preview
1 - MSI
"Nike!" tawag ng mga audience sa pangalan ng kanilang iniidolo nasa stage. Nanonood ang kanilang iniidolo ng mga contestant na sumasayaw sa harapan nila ng kapwa mentor niya. Hindi sila nililingon ng kanilang iniidolo at sumeryoso ang mukha niya sa panonood. "Nike!" tawag ng kanyang kaibigan na si Kiah sa kanya dahilan para mabaling ang tingin niya sa katabi. "Okay ka lang?" pagtatanong ni Kiah sa kanyang kaibigan nang magka-tinginan silang dalawa. Ngumiti lang si Nike nang bahagya sa kanyang kaibigan at kasama sa show. Minasdan na lang ni Kiah ang kanyang kaibigan na humarap ulit sa stage pagkatapos lumingon sa kanya. "Namiss ko ang dating Nike na kahit seryoso sa career na kanyang ginagawa lumalabas sa mukha niya ang saya ngayon sobrang lamig na at parang ang hirap niyang makausap man lang," nasambit ni Kiah sa katabi niyang mentor ng tanungin kung bakit umiwas ang kausap nito. Alam ni Kiah ang dahilan kung bakit nagbago ang kanyang kaibigan pero, ayaw niyang itanong sa kanyang katabi dahil maraming tenga at mata na handang sumagap ng chismis mula sa kanilang iniidolo. Ang kanyang kaibigan na hindi kasing-lamig ang presensiya noon kapag kausap nila ngayon nagbago mula nangyari ang isang maling balita sa career at buhay nito. Bukas ang kaisipan ng mundo nang showbiz sa lahat ng uri relasyon at pati sa l***q+ community bukas sila para makasama sa trabaho. Katulad na lang si Emman Villa na aminadong bakla, at iba pang parte ng l***q+ community na naging bahagi ng showbiz. Dahil, may talento silang pinapakita, ano naman kung hindi sila tunay na lalaki o babae marangal naman ang kanilang ginagawa at wala silang ginagawang krimen para masira ang kanilang pangalan sa showbiz. Kahit tunay na lalaki at babae pwede umakting nang kahit anong uri ng genre katulad ng BL, GL genre basta walang ginagawang krimen sa kanilang bansa. Hindi maiiwasang mahulog ang damdamin ng dalawang tao o higit pa sa dami ng tao kapag naging malapit sila sa isa't-isa hindi ibig sabihin nun, tomboy na si ganito o si ganyan tapos, bakla na si ganito o si ganyan hindi ba pwedeng doon nabuo ang pagkakaibigan? Posibleng lumalim ang kanilang damdamin at magmahalan katulad ng tunay na mag-asawa o mag-jowa kung gugustuhin nila i-level up ang kanilang relasyon hindi krimen ang kanilang ginagawa para husgahan kaagad ng mga tao na sarado pa rin ang kaisipan kahit nasa maka-bagong henerasyon na nabubuhay. Kaya maswerte si Emman Villa tinanggap siya ng mga tao na kahit bakla siya pwede pala mag-asawa at magkaroon ng anak katulad niya na parte ng l***q+. Sa Pilipinas kung nasaan nakatira si Kiah, bukas ang kaisipan tungkol sa l***q+ tanggap ng Pilipinas ang community ang kaibahan lang hindi pa natatanggap sa bansa ang magpapakasal ng bakla at lalaki, tomboy at babae, ang natatanggap pa lang ang bakla at babae o tomboy sa bakla dahil nagka-baliktad lang sila gender identity. "Tama ka, pre nagbago siya mula ng mag-tambal silang dalawa ni Enzi sa isang drama at siraan ng mga taong sarado pa rin ang isip tungkol sa BL, wala nga kissing scene na nangyari doon sa drama kahit pwede nilang gawin sa harap ng camera o mapanood sa TV hindi porket nagka-tambal na nagkaroon ng relasyon sa off cam o outside drama nakabuo sila ng pagkakaibigan katulad tayo mga mentor sa show naging malapit ako sa inyo at naging kaibigan ko na kayong lahat kasama ang staff, director at iba pa, ibig bang sabihin ganoon na rin ba ang tingin nila sa atin dahil, walang nakikitang jowa sa paligid at single? Depende pa rin sa atin ang mangyayari sa buhay natin hindi nila pwedeng kontrolin ang buhay natin." wika ng kasamahang mentor nina Nike at Kiah sa show. Naisip ni Kiah ang sinabi ng kanyang katabi, bakit ang mga kasamahan niya noon sa chinese boyband group hindi sila napag-isipan ng malisyosong balita? Kitang-kita pa sa kanila ang closeness nila sa TV man o sa private life nila kapag kinakalat ng mga reporter ang mga pictures na magkakasama sila ang turing pa naman nila sa bawat isa tunay na magkakapatid na hanggang ngayon hindi napuputol ang communication nila. "Mahina ang loob nila na-affected kaagad ang kanilang damdamin sa sinasabi ng mga tao sa kanilang paligid," nasambit ni Kiah sa kanyang katabi kaya umiiwas na sa kanila si Nike at madalang makipag-usap sa kanila dahil sa kumalat na balita hindi na siya katulad ng dating ugali niya. Naka-suot na palagi nang jacket na may hood si Nike mula nangyari ang mga kumakalat na maling balita sa kanyang pagkatao, ang pala-kaibigan at masayahing actor, singer at dancer nagbago ang hilig niya noon sa mga dangerous na sports mas lumala pa at dahil doon binabatikos na ang kanyang pagkatao at sinasabihan siyang bad influence sa mga kabataan na humahanga sa kanya. Ang focus niya ngayon sa kanyang career ang pag-sasayaw at pag-acting sa mga movie films ang pinupuntuhan niyang importanteng events ang dance contest lamang at ceremony awards. Pansamantalang tumigil siya sa pag-arte sa mga drama kahit may nag-offer sa kanya na maging parte nito tinatanggihan niya. "Nike!" sigaw ng mga audience ng sumayaw si Nike sa stage kasama ng mga sikat na dancer sa iba't-ibang panig ng bansa. "Mahal ka namin, Nike!!!" sigaw ng mga audience na fans ni Nike hindi na lang niya pinansin ang mga naririnig niya. "Booo!!!" sigaw ng ibang manonood at narinig naman ng mga celebrity mentor ang boses ng mga security guard na sinasaway ang mga audience na sumisigaw ng hindi maganda sa kanya. Tinapos niya ang pag-sasayaw niya na kasama ang mga dancer. Kahit nakakarinig siya ng mga hindi magandang sinasabi sa kanya. Ang mga loyal fans lang ni Nike ang pinapakinggan niya at hindi siya sinisiraan katulad ng mga tao na makikitid ang utak. Kahit may fans siya nang dahil sa pag-tatambal nilang dalawa noon ni Enzi nilayo na lang niya ang kanyang sarili sa kanila. Kuntento na si Nike sa kakaunting fans na humahanga sa kanya kumpara noon na marami nga binabatikos naman at sinisiraan nila ang kanilang pagkatao. Nagmamadaling bumaba siya ng stage nang matapos siyang kausapin ng dalawang MC ng dance contest hinaharangan siya ng mga bodyguard niya para hindi siya malapitan ng mga nanonood sa show. "Tubig oh.." tawag pansin ng kasama ni Nike sa kanya at lumingon ito bago kinuha sa kamay ng kasama niya ang binigay na tumbler. "Iwanan nyo muna ako," wika niya sa mga kasamahan niya sa loob ng kanyang dressing room. Iniwan naman siya ng mga kasamahan na nag-iisa sa loob ng dressing room. Naisip niya ang narinig niya sa mga audience na nanonood ng show. Hanggang kailan ba nila ako titigilan? Bakit marami pa rin na bumabatikos sa kanya? Nasambit na lang niya sa kanyang isipan habang nakaupo sa couch. Akala ni Nike nang lumayo siya at umiwas na siya kay Enzi. Titigilan na siya ng mga tao naninira sa kanilang career pero, hindi nangyari ang posibleng mangyari dahil mas lumala pa sila sa kanilang ginagawa. Ang special na pagkakaibigan nilang dalawa ni Enzi nabasag nang tuluyan katulad ng salamin niya sa mata. Hindi na ma-ibabalik ang dating meron silang dalawa dahil sa mga taong gusto sila pag-hiwalayin. Aminado siya sa kanyang sarili na nagbago ang pakiramdam niya para kay Enzi nang lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya bakla o parte nang l***q+ community. Malapit man ang kanyang loob sa kanila hindi pa rin siya bahagi nang community. "Nike! Tawag ka nila!" tawag ng kanyang manager sa kanya at tumayo na siya sa inuupuan niya. Lumabas na siya sa dressing room mula ng batikusin ng mga tao at mga paparazzi ang kanilang pagkakaibigan pinutol ng kanilang management ang interaction nila sa isa't-isa kasama sina Mandla, Chasin at Rosario lumayo na rin siya sa naging kasama niya sa dance group para hindi masira ang career nila. Habang naglalakad siya may bumabati, tinatawag ang kanyang pangalan at may naninira sa kanya. Umalis na lang siya nang mapansin niya na malapit nang matapos ang show ayaw niyang magtagal sa show. "Nike, magkikita ba kayo ni Enzi?" tanong ng kanyang manager sa kanya dahilan para mabaling ang tingin niya. "Baka, bukas magkikita kami sa hotel kung saan siya tumutuloy sa likod tayo dumaan para hindi mapansin ng paparazzi." sambit niya sa kanyang manager nag-text na lang siya sa pinag-uusapan nila. "Kasama nyo ba si Chasin sa hotel?" tanong ng isa sa kasama nila sa loob ng van kung nasaan sila ngayon. Hindi sumagot si Nike sa sinabi ng kasamahan niya sa loob ng van may pupuntahan silang photoshoot para sa isang ads. Nag-text si Nike sa matalik na kaibigan na si Kim para kamustahin lang ang alam niya mag-propose na ito sa girlfriend nito naka-relasyon ng mahigit isang dekada. Higit pa sa kaibigan ang turing niya kay Enzi pero, hindi siya pwedeng magkaroon na malalim na nararamdaman sa kanya. Ayaw niyang masira ang magandang samahan nilang dalawa kahit patago na ito sa publiko.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook