Chapter 1

1002 Words
             Abalang gumagawa ng mga proyekto si Calixta sa kanilang silid-aklatan sa unibersidad ng Cebu. Kinakailangan niya itong matapos sapagkat mamayang alas-singko ng hapon ay ang dedlayn ng mga ito. Habang okupado ang kaniyang isipan sa kung ano ang susunod niyang gagawin ay bigla naman na dumating ang mga kaibigan nito. “Calix, tapos ka na ba?”tanong ng kaniyang kaibigan na si Dhanna atsaka umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan nito, gayundin ang dalawa niya pang mga kaibigan na sina Louise at Maryvil. “Hindi pa nga eh. Kakapagod na nito, hindi ko din matapos tapos ‘tong Case Study na pinapagawa ni Miss Sanchez sa’tin”reklamo niya atsaka humalumbaba sa lamesa. Natawa naman ang kaniyang mga kaibigan sapagkat sumasang-ayon sila sa kaniya. Napatingin lang si Calixta sa tahimik na Louise habang binubuksan nito ang kaniyang Laptop. “Kayo ba? Tapos na kayo?”tanong niya sa kanila atsaka siya bumuntong hininga at nagpatuloy na hinarap ang laptop at nagsimula ng mag-tipa sa keyboard. “Hindi pa din, pareho lang naman tayong lahat. Sabay nalang tayo mag sumite mamaya”saad naman ni Maryvil habang binabasa nito ang dala-dalang makapal na mga papel. Tumango nalang si Calixta atsaka nagpatuloy ng gumawa ng kaniyang mga proyekto. Patapos na ang kanilang semestre at kinakailangan na niyang ma sumite ang lahat ng ito ng sa gayon ay mabigyan na siya ng marka ng kanilang propesor at maiwasan ang namumulang singko sa kaniyang account doon sa kiosk. Wala kang maririnig sa apat na magkakaibigan kundi ang pagtipa lang ng keyboard at ang paglipat lang ng mga papel sa isang pahina papunta sa susunod. Abalang-abala sila sa paglipat-lipat ng tingin sa mga papel at sa laptop, gayundin ang pag-iisip kung ano ang dapat nilang gagawin o isasagot sa susunod na proyekto. Ilang oras nakalipas ay natapos ni Calixta ang tatlong proyekto sa iba’t-ibang asignatura. “Teka lang, i-pi-print ko lang ito doon sa 3rd floor, pakibantayan mga gamit ko ah?”paalam ni Calixta sa kaniyang mga kaibigan. Ngumiti naman ang mga ito atsaka tumango. Dali-daling naglakad si Calixta papunta sa ikatlong palapag, at nang makarating siya rito ay agad niyang binigay ang kaniyang flash drive sa nagbabantay. “Ano ‘yong file name nito Miss?”tanong ng nagbabantay dito. “Iyong ‘Project 1, 2 and 3 po”sagot naman ni Calixta sa kaniya. Isinaksak naman ng nagbabantay ang flash drive sa System Unit nito atsaka nagsimula ng kalikutin ang kaniyang kompyuter atska e-print ang mga file nito. Ilang minuto ang nakalipas ay ibinigay na sa kaniya pabalik ang flash drive atsaka ‘yong mga papel na isusumite niya mamaya. Inabot naman ni Calixta ang bayad atsaka bumalik na sa silid-aklatan at nagpatuloy na gawin ‘yong coding na proyekto niya sa major subject. Bandang alas kuwatro na ng hapon nang matapos na sila sa kanilang ginagawa. Kung kaya ay agad-agad silang nagligpit ng kanilang mga gamit at pumaroon na sa mezzanine. “Ano plano natin ngayon? God! Natapos na rin lahat ng dapat nating gawin ngayong semestre na ‘to. Mababaliw na yata ako”reklamo naman ni Dhanna atska tinanggal ang kaniyang salamin at pinunasan ang magkabilaang parte nito. “Ano? IT park na ba tayo mamaya?”natatawa naman na pahayag ni Calixta. Napalitan naman ng kasabikan ang mga mukha ng magkakaibigan. Sapagkat sa halos dalawang buwan nilang abala sa kanilang mga proyekto ay makakapagpahinga na rin at makakapag-enjoy. “Oo sige mamaya. Sino kasama natin?”sabik na tanong naman ni Louise atsaka siya nauna ng maglakad sa kanila. “Chat mo nalang sa GC natin kung sino sasama. Time to unwind, of course, alam mo na tapos na rin tayo sa wakas!”masayang sambit naman ni Dhanna. “Sige ako na magcha-chat sa kanila pero ‘di ako makakasama mamaya ha?”nakangising sabi ni Maryvil atska nag-peace sign. Napa-irap nalang sina Dhanna atsaka Calixta sa kaniya. “As always” tanging nasabi nilang dalawa bago nakarating sa faculty at pumasok dito para magpasa na. Pagkatapos nilang mapasa ang mga ito ay masaya silang lumabas sa faculty atsaka nag tungo sa Canteen ng kanilang paaralan. “Tapos na rin sa wakas. Wala na tayong iisipin at nakalibre na rin sa mga gawain. So, na chat mo na ba sila?”tanong ni Calixta kay Maryvil. Tumango naman si Maryvil sa kaniya. “Sabi ni Patrick Star sasama daw siya tsaka sina Mark, Jane atsaka si Yos ata rin”pagpapa-alam ni Maryvil habang naka tingin sa kaniyang cellphone. Kinuha naman ni Calixta ang cellphone niya atsaka binuksan nito ang kaniyang messenger at binasa ang mga chats na nasa kanilang group chat. Natawa naman siya habang binabasa ang mga ito sapagkat ang kaniyang mga lalaking kaibigan ay nag-aasaran dito kahit magkasama naman ang mga ito sa personal. “Tatawagan ko lang muna si mama, papa-alam lang ako na magagabihan ako ng pag-uwi”pa-alam naman ni Louise sa kanila atsaka ito tumayo at sinumulang tawagan ang magulang nito. Tahimik lang silang nakatingin sa kaniya-kaniya nilang cellphone at sumasagot sa kanilang group chats ng bumalik na si Louise at masayang ipina-alam na pinayagan siya na gumala ngayong gabi. “Tara na, nasa Country Mall na daw sila”pahayag ni Calixta sa kanila atsaka sila tumayo at binitbit na ang kanilang mga bag na may mga lamang libro at laptop. “Lakas din ng trip natin kung dadalhin natin ‘tong bag natin no’? Louise, sa inyo nalang namin iiwan ‘tong bags, okay lang ba?”paghihingi ng pahintulot ni Dhanna atsaka niyakap ang mga braso ni Louise. “Oo naman okay lang sa’kin. So, daan muna tayo sa bahay namin”sagot naman ni Louise sa kanila. Nasa gilid lang ng unibersidad ang bahay ni Louise kung kaya sa kanila nila ibinilin ang mga bag. Nagsimula na silang maglakad paalis sa kanilang unibersidad. Nang makarating sila sa may sakayan ng jeep ay namaalam na si Maryvil na mauuna na siyang umuwi, niyakap na nila ito sa huling pagkakataon sapagkat sa susunod pa na semestre nila ito makikita. “Ingat kayo atsaka enjoy!”masayang pahayag ni Maryvil bago ito sumasakay sa Jeep na 03B, kumaway naman ang tatlo rito atsaka nagpatuloy ng maglakad sina Louise, Dhanna at Calixta patungo sa bahay nila Louise, ng makarating sila dito ay agad naman na nagbihis si Louise at iniligay ang kanilang bag sa kwarto nito. Pagkatapos ay bumalik sila sa kanilang dinaanan at tumungo na sa country mall na kung saan naghihintay ang iba pa nilang mga kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD