Celestine's Point of View Buong araw akong lutang kakaisip sa sinabi sa akin ni Soul. His words completely shook the hell out of me that it disrupted my focus. Hindi ko na itinuloy ang paghahanap ng materyales para sa gown at suit dahil alam kong mahihirapan lang ako. I kept on thinking kung seryoso ba siya sa sinabi niya o pinagtitripan lang niya ako. Pati ang sinabi niya sa akin na alam niyang kapatid ko si Sarah bago pa man niya ito ligawan, ay pinag-iisipan ko rin kung totoo ba o hindi. Nagulo ko na lang ang buhok ko bago ako nagdesisyon na pumunta sa isang park para magpahangin at pakalmahin ang sarili ko. At habang naroon ako ay may nakita akong teenage couples na masayang namamasyal. And it got me thinking about the days I spent with him. Those days were really fun. We had so much