◄Zandro's POV► Ilang araw na ang lumipas mula ng umattend kami ng party ng lolo nila Jocelyn. Hindi agad namin naasikaso ang paghahanap kay Jocelyn dahil pinatawag kaming lahat ni lolo at nagtungo kami ng Palawan. Kauuwi lang namin kagabi dito sa Manila from Palawan, at ngayon nga na nakabalik na ulit kami sa opisina ay ito na ang unang aasikasuhin namin. Pinapunta ko na agad si Darwin dito sa akin opisina dahil kailangan na naming simulan ang paghahanap kay Jocelyn at pag-iimbestiga kay Jacey. Kaya naman namin itong pagsabayin, kailangan ko na kasing mahanap ang mag-ina ko. At kung kailangan ko silang iharap sa buong angkan ng mga Hendrickson upang ipakilala ko sila ay gagawin ko. "Ano ang una nating gagawin?" Tanong ko ng makarating na dito ang pinsan kong si Darwin. "Kailangan natin