┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakatanggap sila ng tawag na paparating na ang kakambal ni Jocelyn. Hindi na mapakali pa ang dalaga at hindi na niya malaman pa kung ano ang kanyang gagawin. Nanginginig ang kanyang mga kamay hindi dahil sa takot, nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa sobrang kasabikan na makaharap ang kanyang mga mahal sa buhay. Hindi siya mapakali, panay ang lakad niya kaya pinipigilan siya palagi ni Teodora. "Bff, huwag kang manginig at huwag ka panay lakad. Mag-relax ka lang at baka mapaanak ka ng wala sa oras. Ako ang nag-aalala sa'yo." Sabi ni Teodora habang hawak nito ang kamay ni Jocelyn. Nandito sila sa terasa kung saan ang paboritong pahingahan ni Jocelyn. Dito nagiging kalmado ang kanyang isipan sa tuwing nalalanghap niya ang sariwang hangin. Hindi nagtagal ay nagmamadali n