Gabi na ng umuwi si Chard sa bahay nila at sarado na rin ang ilaw sa buong paligid na ang tanging dimn lights na lang ang nakabukas. Umakyat siya sa kwarto niya at doon ay binuksan niya ang ilaw pero bago pa man niya isara ang pinto ay may isang kamay na pumigil sa kaniya. Napalingon siya sa sinuman na pumigil sa kaniya nang nagpakita ang mother niya sa harapan niya na ikinagulat niya. “Ang sabi ko hindi ba 20 minutes lang? Alam mo ba kung anong oras na ngayon, young man?” mataray na sabi niya sa anak na si Chard. “It’s 9 pm,” sagot na mahina ni Chard. “Give me your phone. Alam mo ang rules ko sa pamamahay na ito, Richard,” striktong sambit ng Mom niya and laid her hand in between them para hingin ang phone niya. Chard heaved a deep sigh like wala na siyang choice kundi sundin ang utos