Pagkalabas ni Princess at Chard ay nagharap sila sa isa’t-isa. “Finally, we’re done,” sambit ni Princess at ngumiti. “Yes, finally. Um...may gagawin ka ba ngayon?” tanong ni Chard na may pag-aalinlangan at napakamot sa ulo niya dahil nahihiya siya. “Mayroon, eh. Bakit? Sorry kikitain ko kasi pinsan ko na dumating,” pagsisinungaling ni Princess para lang hindi siya mabuko. “Ah, ganu’n ba. Sige sa susunod na lang. Ako na hahawak nito at ibibigay ko kay Rachel,” tugon ni Chard at ngumiti na lang sa kaniya. “Sige, salamat for today, Chard. Una na ako, ha,” masayang paalam ni Princess at nauna ng naglakad paalis. “Sige!” paalam din ni Chard ng pahabol at nawala na ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Sayang, yayain sana kita mag-date kung ayos lang sa’yo kaso may pupuntahan ka pa pala,” sambi