ZERRA NICOLE'S POV NAGLALAKAD NA ako pabalik sa hotel room namin ng mga kaibigan ko, pero parang lutang pa rin ako. Ilang oras pa lang ang lumipas pero pakiramdam ko napakadami ng nangyari. Sobrang saya ng pakiramdam ko, pakiramdam ko biglang umaliwalas ang paligid ko. Kagabi lang nag-umpisa ang lahat, nang makita kong may kahalikang babae si Drake. Sobrang sakit ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon, kaya nagpakalasing ako. Kumanta ako nang kumanta, umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako. Lahat ng kantang inawit ko ay para lahat sa sugatan kong puso. Basta ang natatandaan ko ay umakyat sa stage si Drake kung saan ako kumakanta. Buong higpit ako nitong niyakap. Ang alam ko umiyak ako nang umiyak sa dibdib nito hanggang sa mawalan ako ng malay dahil sa kalasingan. Nagising akong m