"So paano, madali lang naman ang gagawin mo. Babantayan mo lang itong dalawa kong anak. Pwede ka namang tumulong sa paglilinis kung naiinip ka dahil twice a week ay may dumadating dito para maglinis. Hands on kasi kaming mag-asawa lalo na sa anak namin.. Ngayon nga lang na medyo busy na kami at medyo malalaki na sila kaya kailangan na nila ng kasama pag wala kami dito.. Alam mo na, mga lalaki kasi kaya walang alam masyado sa gawaing bahay." wika ng Ma'am Euricka nya at nakangiti naman syang tumango dito.
Kausap si Jillian ng mag-asawang Geizler at kasama din ang dalawang anak na lalaki. Ibinibilin ng mga ito ang dapat nyang gagawin dahil mawawala ang mga ito ng dalawang linggo dahil may business conference ang mga itong dadaluhan sa ibang bansa. Madali naman ang magiging trabaho nya dahil aalagaan nya lang ang dalawang anak ng mga ito. Sixteen years old na ang panganay ng mga ito na si Jack at five years old naman ang bunso ng mga itong nagngangalang Jake. Kaya hindi sya siguro mahihirapan dahil may mga bait na ang mga ito.
"At dahil ikaw ang mas nakatatanda, ikaw ang masusunod lalo na pagdating sa dalawang ito. Sabihin mo lang kung may kalokohang ginagawa itong dalawang ito lalo na itong panganay namin.." dagdag pa ni Mrs. Geizler kaya lahat sila ay napatingin kay Jack na nahuli nyang nakatingin, no scratch that, nakatitig pala sa kanya.
"Mom! She's just five months older than me.. Hindi nalalayo ang age gap namin.." reklamo nito pero hindi sya nito nilulubayan ng tingin. Tingin na kakaiba dahil parang tumatagos yon sa kanyang pagkatao na nagagawang patayuin ang kanyang balahibo. Hindi dahil sa takot kundi sa ibang dahilan, na hindi naman nya mawari kung ano.
"No more buts, Jack. Mas matanda pa rin sya sa'yo. At yon ang gusto namin ng Dad mo, kaya wala ka ng magagawa. Susundin nyo si Jillian.." seryosong wika ng Mom nito at nanghihingi ng tulong na tumingin ito sa Dad nito pero umiling lang si Mr. Geizler.
"Makinig ka na lang sa Mommy mo, big guy.. Kahit ako, gusto ko din ang desisyon nya dahil alam kong kailangan mo ng matuto. At alam mo kung ano ang dapat mong matutunan at makakatulong si Jillian sa'yo.." wika ni Mr. Geizler kaya lalong sumimangot ang panganay na anak ng mga ito. Kundi lang ito nakatingin sa kanya, mapapangiti sya sa pagiging childish nito. And she finds it cute...
"Fine.. But I'll make sure na ako ang masusunod sa ibang bagay.." nakangising wika nito at namula ang mukha nya dahil bigla sya nitong kinindatan. Agad nawala ang nakasimangot nitong mukha at napalitan yon ng kung anong emosyon. She just blushed in front of them because of what he does.
Narinig nya ang mahinang tawa ng Dad nito, pero natigil yon ng sikuhin ito ni Mrs. Geizler. Tumikhim ito at naging seryoso ang mukha pero kita pa rin nya ang kislap ng tuwa sa mata nito habang nakatingin kay Jack, na panganay ng mga ito. Parang tuwang-tuwa ito sa inaasal ng anak.
"Ayos ba sa'yo ang magiging trabaho mo, Jillian? Pwede kang magsalita if may hindi ka gusto para makapag-adjust tayo.." nakangiting wika ni Mrs. Geizler. Mabilis syang umiling dahil ayos na yon sa kanya. At isa pa napakabait ng mga ito dahil sa napakagaan na nga ng magiging trabaho at napakasama naman kung magdedemand agad sya ng ibang bagay. Hindi naman sya abusada.
"Ayos na po yon. Hindi naman po siguro mahirap alagaan itong mga anak nyo dahil malalaki na sila. Lalo na po itong panganay nyo.." wika nya at sinulyapan si Jack na nakatitig pa rin sa kanya na may kakaibang ngiti pa rin sa labi.
"Yeah, malaki na talaga ako. At hindi ko maipapangako sa'yo na hindi ka talaga mahihirapan.. what I mean is sa pag-aalaga samin. Masyado kasing makulit itong si Jack.." wika nito at hindi nya alam pero parang may iba pa itong ibig sabihin sa sinabi nito. At nagpatunay pa don ang muling mahinang pagtawa ng Dad nito na parang alam ang kalokohan sa sinabi ng anak. Hindi na lang nya yon pinagtuunan ng pansin at iniiwas ang tingin sa binata.
"Let's go, hija.. Ituturo ko sa'yo ang kwarto ng mga bata. Sa iisang kwarto lang naman sila natutulog dahil hindi pa kayang mag-isa ni Jake sa room. At sa katabing kwarto ka nila mag-i-stay.." tumayo sya para sumunod sa mag-asawang Geizler dahil nauna na ang mga itong umakyat sa ikalawang palapag.
Bitbit nya ang kanyang mga gamit at sinimulang maglakad at nagulat pa sya ng may umagaw nito sa kanya. At ng tingnan nya yon ay dala na ito ni Jack at nangunguna na itong umakyat sa kanya na parang walang ibang ginawa. Normal ba sa isang amo na ipagbitbit ang magiging maid?
"Tara na po, Ate Jillian.." nakangiting wika ni Jake at hinila sya na ikinangiti nya. Napaka-cute na bata at napaka-bibo pa.
Pagkaakyat sa taas ay tumigil sila sa tapat ng isang kwarto at namilog ang mata nya sa nasaksihan. Napakalawak nun at may dalawang kama. May mga sofa din don at coffee table at masasabi nyang kumpleto na don lahat at may mini-ref din sa gilid nun. Pero hindi yon ang ikina-bilog ng kanyang mga mata, kun'di ang sobrang kalat sa loob nun.
Nagkalat ang mga unan sa carpeted floor. Kahit ang bedsheet magulo sa ibabaw ng kama. Marami ding mga damit sa ibabaw nun at marami ding nagkalat sa sahig at ng tingnan nya kung ano ang natapakan nya ay namula ang mukha nya dahil ng itaas nya yon ay isa yong brief. Malaking brief na masisiguro nyang hindi yon kay Jake..
"Ooppss.. Sorry." wika ni Jack at hinablot yon sa kamay nya at inilagay sa likuran habang kumakamot sa ulo na parang nahihiya.
"Siguro naman alam mo na kung ano ang dapat baguhin at kung ano dapat nilang matutunan, hija.."
"Uhh.. yes po Ma'am. Ako na po ang bahala sa kanila, Kayang kaya ko po yan.." nakangiting wika nya na ikinangiti ng mga ito.
"So pano, aalis na muna kami dahil may aayusin pa kami sa company bago kami umalis papuntang business conference. Ikaw na muna ang bahala sa mga anak ko.. Tandaan mo, ikaw ang masusunod.." wika ni Mr. Geizler at iginiya ang asawa palabas ng kwarto. Sumunod naman ang dalawa nitong anak. Tumingin sa kanya ang binata at bahagyang itinaas ang gamit nyang dala nito.
"Dalhin ko na to sa magiging kwarto mo.." wika nito.
"Uhmm, wag na.. Ako na lang." pagtanggi nya.
"No, I insist.." he said bago tumalikod at tuluyang lumabas ng silid. Naiwan sya sa loob na mag-isa at napahinga ng malalim habang nakatingin sa magulong kwarto. Ano ba yan? Ganito ba talaga ang kwarto ng mga lalaki? Magulo?
Itinali nya muna ang kanyang buhok bago sinimulang ayusin ang buong kwarto. Dinampot nya lahat ng unan at inayos nya yon sa ibabaw ng kama matapos nyang ayusin ang ibabaw nun. Tiniklop nya rin ang mga damit na nagkalat dahil malinis naman yon bago inilagay sa closet. Wala naman syang naging problema sa kama ni Jake dahil medyo magulo lang yon, halata na tinulugan lang kaya magulo. Ibang-iba sa nakakatanda nitong kapatid na parang pinag-wrestlingan ang ibabaw ng kama sa sobrang gulo nun at idagdag pa ang mga damit nitong kung saan saan nagkalat. Ilang minuto din bago sya natapos at napahaplos sya sa kanyang noo dahil sa pinagpawisan sya sa ginawa.
Nang matapos sya ay bumaba sya at nag-diretso sa kitchen para sana uminom at doon nya natagpuan ang dalawa na magkaharapan habang nakapang-halumbaba sa dining table. Sabay ang mga itong tumingin sa gawi nya at sabay na nagliwanag ang mukha na parang nakakita ng anghel.
"We're hungry na po, Ate..." wika ni Jack kaya pala ganun na lang ang tuwa ng mga ito ng makita sya.
"Sorry, baby... Niligpit ko pa kasi ang room nyo ni kuya. What do you want for breakfast?" malambing na wika nya dito at kita nya ang pagsimangot ng kapatid nito lalo na ng tawagin nyang baby ang bunso nitong kapatid.
"Okay lang po, Ate.. Uhm, I want egg and hotdogs po. Just plain rice po same with kuya po. We're not eating fried rice po kasi.." bibong wika nito kaya malapad syang napangiti at hinagkan ito sa pisngi dahil nanggigil sya sa kabibohan nito.
"Ehem!" malakas na tikhim ni Jack habang nakasimangot itong pinapanood ang ginagawa nya sa kapatid nito. "Hindi mo ba ako tatanungin kung anong gusto ko for breakfast?" nakapout na wika nito na parang nagtatampo. Napailing na lang sya habang nakangiti.
"Ano ba gusto mo for breakfast?" simpleng tanong nya dito at nagsalubong ang kilay nito sa hindi nya malamang dahilan.
"Bakit pagdating kay Jake may endearment ka pa? Tapos ang sweet mo pa at may kiss sya? Bakit ako wala?" reklamo nito kaya napakamot sya sa mukha nya dahil sa reklamo nito.
"Eh kasi malaki ka na. Masama ng tingnan kung i-kikiss pa kita dahil binata ka na. Unlike Jake dahil bata pa sya. And about naman sa endearment, he's still a baby kaya baby ang tawag ko sa kanya.." paliwanag nya at hindi nabawasan ang pagka-gusot ng mukha nito. Para itong bata na nagka-tantrums at hindi basta basta makukuha sa simpleng pang-aalo lang.
"But I want to be your baby, too.. I want you to treat me same as you treat my little brother. I want you to kiss me also.." he demanded na ikinabilog ng mata nya.
"But that's impossible, Jack. Binata ka na at hindi na magandang tingnan kung ibi-baby pa kita. Pwede ka na ngang mag-girlfriend sa edad mo.." paliwanag nya dito pero parang bingi lang ito sa paliwanag nya. Inisnob sya nito at humalukipkip at nakasimangot na nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi nya akalain na mas bata pa itong umasta kaysa sa bunso nitong kapatid.
"Ayaw mo ba sakin?" bigla ay winika nito at muling tumuon ang tingin sa kanya.
"Huh!?" gulat na wika nya at bigla syang natahimik. Ba't may ganitong tanungan na agad ito? "Fine.." pagsuko nya na lang dahil hindi talaga ito papatalo. "Pero hindi pwedeng umakto ka na parang bata lagi. Be mature at bagayan mo ang edad mo. I will treat you like a baby pero pag wala lang ang magulang mo at syempre dito lang sa loob ng bahay." wika nya at agad na nagbago ang mukha nito. Muling bumalik ang ngiti sa labi nito at ang kislap ng mga mata.
"Okay.. Where's my kiss, then?" wika nito kaya lumapit sya dito at bahagyang yumuko para halikan ito sa pisngi. Mas lalong lumawak ang ngiti nito na parang mapupunit na ang labi nito matapos nya itong halikan.
"So what do you want for breakfast?"
"You.." nakangising wika nito at muli ay nakita nya ang pilyong ngiti sa labi nito. Tiningnan nya ito ng masama kaya bahagya itong tumawa. "Ang ibig kong sabihin ay ikaw na ang bahala. Kinakain ko naman lahat basta plain rice lang din katulan ng kay bunso.." masayang wika nito na parang walang nangyari kanina. Bipolar lang? Tsss....
Nag-fried na lang sya ng hotdogs, eggs, longganisa, ham and bacon. Pinagsilbihan nya ang dalawa at katulad ng ginagawa nya sa bunso nitong kapatid ay ginagawa din nito sa binata. Katulad ng paglalagay ng kanin sa plato at ng ulam. Para syang ina na nag-aalaga sa dalawang bata nyang anak. Nagpa-baby talaga ito at wala naman syang ibang magawa dahil sa iyon ang gusto nito. At para wala na ding gulo. Ang sama naman kung first day nya pa lang sa trabaho ay bad shot na agad sya sa inaalagaan nya. Kaya mas mabuti na yong pagbigyan na nya lang ito total kaya naman nyang gawin ang hinihiling nito.
Sabay-sabay silang kumain at marami syang nalaman dahil may kadaldalan si Jake. Marami itong na-ikwento at kahit ang mga tungkol kay Jack ay naii-kwento nito kaya kahit papano ay may alam sya sa buhay ng binata. Maging ang pamilya Geizler ay na-ikwento nito hanggang sa matapos silang kumain ay wala syang nakuhang pagtutol sa binata sa sinasabi ng kapatid nito na parang pawang katotohanan yon lahat. Kaya ng matapos sila ay parang kilalang-kilala na nya ang buong pamilyang Geizler dahil sa mga kwento ni Jack...