"Jake! Jack! Umahon na kayo dyan!Dadating na ang Dad nyo!" sigaw nya na umagaw sa atensyon ng dalawang masayang naliligo sa dagat. Nasa tabi lang sya habang ang mga ito ay nasa malalim na bahagi habang nasa balikat ni Jack ang kapatid nito. They are laughing so loud at halata sa mga ito na nag-eenjoy sa pagliligo. Hapon na at nasa tubig pa rin ang mga ito. Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay hinintay lang ng mga itong medyo bumaba ang araw pagkatapos ay naligo na ulit. Bandang alas-dos ng hapon ay wala ng sikat ng araw sa bahaging yon dahil kubli na yon sa bundok dahil medyo kubli ang Aplayang Munti. Katamtaman lang yon para sa isang family outing. Mas mahaba lang yon sa dalawang basketball court pag pinagsama kung ikukumpara ang sukat ng haba doon. Nakita nya ang dalawa na palapit