"Good morning, hone— What the... f**k!" nagsalubong ang parehas nilang namimilog na mata dahil sa gulat ng hindi sinasadyang nasampal nya si Jack. "Why did you do that?" hindi makapaniwalang anas nito habang hawak ang kabilang pisngi na hindi sinasadyang nasampal nya. "S-sorry.. Ginulat mo kasi ako eh." paghingi nya ng paumanhin dahil talagang bumakat sa maputing mukha nito ang kanyang palad. Namumula yon at kung gaano kalapad ang palad nya ganun din ang nasa pisngi nito. Ramdam nya rin ang pamamanhid ng palad nya dahil napalakas yata ang pagsampal nya dito. At sigurado syang nasaktan ang binata base sa reaksyon nito. Nagulat lang naman talaga sya kaya kusang umangat ang palad nya para sampalin ang binata. Nagluluto kasi sya ng breakfast ng buong pamilya ng bigla na lang itong sumulpot s